Monday, May 2, 2011

Days 111 to 120

Day 111: April 21, 2011, Thursday

pasalubong ng bayan

dahil nasa bahay namin ngayon si chutchut, shempre magpapasikat si tita diba? at dahil wala namang bukas na mall na pwedeng pasyalan ngayong maundy thursday, eto at tinambakan ko na lang ng pagkain ang bagets. in furnace, kinakain naman daw lahat nung icheck ko kinahapunan. at bakit trip ng batang 'to na kumain ng isang tipak na kanin na parang tinapay kung papakin nya? weird! =)


Day 112: April 22, 2011, Friday

bakasyunista

yeheeeeeeey! pinayagan si chutchut na magstay pa sa bahay hanggang bukas! sa totoo lang, feeling namin kaya hinde pinapapunta linggo-linggo ang bata sa bahay eh dahil hirap na hirap ang mag-asawa na iuwe 'to. kapag may kumakatok na sa pinto eh nagtatago na sya, akala nya palagi papa na nya yun. sabay sisigaw sya ng "ayaw pa uwe!" nakakaloka, parang laging may dramarama sa hapon pag uuwe na sya.


Day 113: April 23, 2011, Saturday

general cleaning

at dahil inspired ako ngayon (chos!), naisipan ko na naman na ipa-feng shui ang kwarto ko kaya naglipat na naman ako ng mga gamit. hinde ko pa nasusubukan yung ayos na nasa gitna ang kama, kaya i tried it out. ang pinakamabigat na ililipat ay ang closet ko, tatlong tao ang dapat para maitulak 'to. at dahil OA na nga sa bigat, naisipan ko na ding magbawas ng mga damit na luma na at hinde na kasya. my gash, andami kong naipamigay ha? ganun na pala kalaki ang inilaki ng katawan ko!


Day 114: April 24, 2011, Sunday

lala pa

at dahil matagal-tagal akong napirmi sa bahay, eto at lumarga na agad ako sa mall para maggrocery. ako na lang mag-isa ang lumakad, medyo nasusura pa din ako sa nanay ko kahit nagbati na kame dahil kay chutchut. tumingin din ako ng mga dress, but didn't find any that appealed to me. ewan ko ha, pero natutuwa ako mag-ayos ngayon. the happiness shows in my face siguro, dahil madaming pumapansin saken ngayon, eh matagal na din naman akong nag-aayos, so dapat wala namang bago dun. siguro nga may mga tao lang na iinspire ka talaga, at madami ding makakahalata na pinapasaya ka nya.

sa kawalan ng pangkikay, pagkain na naman ang napagtripan ko. cheese rolls from red ribbon... hinde naman ganun kasarap. mas masarap pa din yung sa mary grace. hmp.


Day 115: April 25, 2011, Monday

potpot's dilemma

at dahil napakaimportante at kailangan pang mag-message ng kapatid ko sa facebook para dito, balik mall na naman ako ngayon dahil sa dog shampoo para sa aso ko (duh? para kanino pa kaya?!) ewan kung para ding sa bata na kinukuto pag summer, pero sobrang dumami ang garapata nya ngayon. bawal na nga syang lumabas ngayon dahil baka dun sa aso ng kapitbahay namin nya nakukuha. kaya grounded si potpot ngayon. lol.


Day 116: April 26, 2011, Tuesday

yumyum! - ate glo

dahil nga nagholy week, madami ang nagsipag-uwian sa kanilang mga probinsya. kasama na jan ang mga officemates ko. kaya eto at parang piyesta sa workstation ko pagbalik ko from my own vacation leave dahil sari-saring pasalubong ang sumalubong (paulet-ulet?) saken! shempre, tuwang-tuwa naman ako diba? name it, they have it: pili nuts, yema, tart, pulboron, chocolate, panutsa... ang saya-saya!

sana laging ganito... i love my new team ♥


Day 117: April 27, 2011, Wednesday

bruise almighty

got this bruise nung nag-general cleaning ako last saturday. kase hinde naman ako ganun kalakas, kaya tuhod at hita ko lang ang ginagamit ko para makitulak sa giant cabinet. ayan, nagka-pasa tuloy. pero okay lang, atlist alam ko kung san nanggaling yung pasa. gone are the days na bigla na lang ako magugulat sa mga pasa na lumilitaw sa katawan ko. those times were scary! buti na lang at normal na ngayon ang dugo ko... pati ang puso ko. CHOS! wahahahaha!


Day 118: April 28, 2011, Thursday

si aida, si lorna at si fe

screen name lang naman nila yan, hinde ko pa sila naiisipan ng pangalan, hehehe. they're gifts from my new team. we had a celebration today for the april birthday celebrants (celebrators?). grabe, kinabog ako nga mga yun sa hilig magvideoke. at dahil hinde naman ako makakanta ng maayos ngayon dahil sa sampayan ko sa ngipin (weh?), i gave way. hahaha! it was so much fun, everyone seemed to enjoy the night. it was a welcome change, considering hinde ko na gusto ang nangyayare sa dati kong team. dito, walang ere, walang okrayan, walang matataas ang ambisyon na gagawin ang lahat by hook or by crook.


Day 119: April 29, 2011, Friday

condoned

hinde ko pa man nahaharap ang HR sa ginawa nila sa SSS loan ko, eto at ready na akong magloan ulit dahil nacheck ko na nabura na ang outstanding balance ko. yeeeeeyy! hinde ko man kailangan ng pera pa sa ngayon, magloloan na din ako para paghahanda sa aking project. kung ano yun, irereveal ko sa pagbabalik ng... THE BUS!


Day 120: April 30, 2011, Saturday

hole-in-one

wala na. wala nang pag-asa tong sapatos ko. nagtataka ako kung ang bilis kong makasira ng sapatos ngayon. parang kakabili ko lang ng shoes na 'to a few months back pero butas na kaagad. mukhang hinde pala damit ang kailangan ko. san na naman kaya makapaghanap? =(

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

Uy, shocks, bakit parang may pako ka sa paa at butas na ang shoeselyas mo? At dun lang daw talaga ako nag comment? Hehehe

Post a Comment