nagulat ako sa tumambad saken sa email ko sa unang araw ng buwan ng mayo. hinde ko naman akalaing magsisimula ng komosyon ang comment ko sa status ni ex-jowa sa FB. yun ay simpleng pagtira lang sa mga nakakainis nyang opinyon sa mga bagay-bagay. wala naman akong ibang ibig sabihin dun, ni hinde ko nga nirerelate ang mga opinyon nya sa mga nangyare sa aming dalawa nun. medyo namutla ako ng slight nang magcomment si present jowa. ayoko na kase ng gulo, lalo kung sa mga gulo nya ako masasangkot eh keber ko naman na sa kanya diba?
anyway, kinausap ko si girl (despite warnings from friends na baka lumaki pa pag kinausap ko) eh ayun, okay naman na. kelangan lang magkaliwanagan. at ayokong maparatangan na bitter pa ako, eh isinusumpa ko namang hinde talaga.
Day 122: May 2, 2011, Monday
pwede na siguro akong gawing endorser ni ate glen ng mga products nya? dahil today umorder naman ako ng mga day and night moisturizers nya. subok lang naman dahil nagkakati talaga ang mukha ko na ngayon sa nivea. pag umepek, eh di gora na on being organic.
Day 124: May 4, 2011, Wenesday
sayang at hinde naman natuloy ang surprise namin sa kanya na video message from her idol. nyahahaha! busy-busyhan naman kase talaga, wala na akong maasikasong iba bukod sa puso ko. chos! buti na nga lang at nakapagkita kami ngayon for her celebration. nakakamiss ang mga kapeks, sana madami pang oras na magkita-kita kame. bitin ang oras sa kwentuhan, lalong-lalo na ngayon na may sari-sarili na kaming lovelife (weh?) hahaha! salamat sa libre may, aylabyu!
Day 125: May 5, 2011, Thursday
at dahil 50% off ang mga starbucks frap ngayon, eto at inaabuso ko naman. mahaba ang pila, in furnace. bago namin nakuha ang aming order eh inabot ata kame ng 45 minutes. shempre kasama na din ag kwentuhan habang inaantay ang aking venti na dark mocha. hinde naman ako magveventi kung regular price, sa kuripot kong to?! hahaha! sana laging 50% off, pipila talaga ako, kahit iconsume ko na dito ang breaktime ko, hehe.
Day 126: May 6, 2011, Friday
at dahil hinde naman ako magastos na tao, nalulula ako sa mahal ng pagkain ko ngayong araw na 'to. dahil hanggang may 8 lang ang promo ng starbucks, eto at nagtry naman ako ng green tea nila. nakucurious ako sa lasa nya dati pa, eh porke mura, afford kong masayang sya kung sakaling hinde masarap kaya bumayla na din ako. tapos kumain pa kami sa army navy ng mga bagong ka-team. eh di shempre, sumama na din ako, first time ko atang sasamang maglunch sa kanila. hehehe. baka sabihin naman ayaw kong makisama sa kanila, eh sa totoo lang eh nagtitipid lang ako. nyahahaha!
Day 127: May 7, 2011, Saturday
it's been ages since i first planned to join the volunteer orientation for PAWS. talagang gustong-gusto kong magvolunteer dito but i just could not find the time. pero finally, ayan at natuloy din. during the orientation, they were showing pictures of the animals and telling stories how they were rescued. ang sakit-sakit sa dibdib. i was telling myself to get a grip, dahil parang ako lang ang umiiyak dun, nakakahiya naman.
it was a very different experience. feeling ko na finally, may kabuluhan naman ang gagawin ko. that this time, i'm doing something for a cause. i'm going to write about it in a separate blog =)

0 comments:
Post a Comment