Monday, March 28, 2011

Days 68 to 76

Day 68: March 09, 2011, Wednesday

for my silky smooth skin

kamusta naman ang "post-natal" na nakalagay jan? ang katawan ko pala eh parang katawan ng isang babaeng nanganak na! hahaha! matagal ko na tinatarget bumili neto dahil very prominent ang mga stretchmarks ko sa may puwet. ang magaling ko kasing nanay, hinde man lang ako binalaan na bawal magkamot pag meron ka, ayan, hinde tuloy ako makapag-G string bikini. lol.


Day 69: March 10, 2011, Thursday

i'm so vain

eto na nga... 3 years na ako sa sintang kumpanya pero ngayon ko lang nalaman na covered pala ang warts removal sa aming hospitalization plan. sayang naman ang nagdaang two years, dapat pala 2 years na akong wart-free ngayon. anyway, let baygons be baygons (madaming lamok?). masaya ako, dahil bukod sa warts eh meron pa akong 3 sessions ng facial cleaning at back treatment. sayang nga lang at hinde na kinaya ang underarm whitening. nyahahahaha! i swear, hinde ako lalabas dun hangga't hinde ako gumaganda ng bongga!


Day 70: March 11, 2011, Friday

goodles so good

so balak ba naming tikman lahat ng variants ng pasta sa goodles? malamang. pang-ilang tambay na namin sa gale at ilang beses na din kaming kumakain dito, in the hopes that we'll see gino again. naka-leave ako today, dahil akala ko naman eh sobrang OA ang mga peklat na makukuha ko from the scar removal. at nabasa ko pa sa forums na bawal daw maghilamos for 24 hours, kaya paano naman ako makakarampa ng nanlilimahid ang mukha? pero sabi naman ng derma eh keri lang, kaya gora japan na ako. nakabili din ako ng rashguard na gagamitin ko sa anawangin.


Day 71: March 12, 2011, Saturday

pasintabi sa mga kumakain...


feeticure

ayan, after 15 years ngayon ko lang pinahawakan ang paa ko sa kamay ng ibang tao. i was traumatized sa unang pagpapalinis ko ng kuko. graduation day ko pa naman yun nung college, muntik na kong hinde makaakyat ng stage dahil sa mga na-murder kong kuko. pero ngayon na tamad na tamad akong magkikilos, ayan at nagbayad na ko para magpapedicure. masarap pala ang feeling na parang may alipin kang kulang na lang eh halikan ang paa mo sa pagsamba. hahaha!


Day 72: March 13, 2011, Sunday

baby techie

iba na talaga ang panahon ngayon. bukod sa game & watch, malaki na ako nung natutunan kong maglaro ng family computer. de-ihip pa ang mga bala nun sa pagkakatanda ko, hehehe. pero etong si ruth, 4 years old, marunong nang maglaro ng playstation. amazing! pero we see to it na hinde din sya gaanong nakababad sa tv / computer. mas maganda pa din na may mga kalaro kang gumagalaw, nagsasalita at nakukurot.


Day 73: March 14, 2011, Monday

reward?

lunes na lunes eh eto't umattend ako ng isang training na wala nang mas boboring pa. boring na nga ang topic, boring pa yung speaker. sana isinend na lang sa amin yung powerpoint at kami na lang ang pinagbasa. marunong naman kaming magbasa eh, hinde na kelangang sila pa ang magbasa para sa amin. anyway, masarap naman ang pakain nila kaya bawi na din. lol.


Day 74: March 15, 2011, Tuesday

if only

second day ng training. sabi ko sa sarili ko, i should be on my feet agad when the clock strikes 12. (cinderella, is that you?) ayun at lumipad ako pababa para kumuha ng taxi. ang galing, kinakaya pala 20 minutes lang ang biyahe mula office hanggang bahay namin. kung ganto lang sana araw-araw, ang bata-bata ko pa siguro tingnan ngayon.


Day 75: March 16, 2011, Wednesday

almost done

i'm almost done preparing my things for our anawangin trip on monday. almost pa lang dahil magpaprocess of elimination pa ko sa mga damit na inihanda ko. hinde ko naman pwedeng dalhin lahat yan dahil ang OA naman magdala ng dalawang bag para sa isang overnight trip lang. nyahahaha!


Day 76: March 17, 2011, Thursday

what the fuss?!

anak ng.....! pangalawang session ng wart removal, bakit nagkaganito ang muka ko? unlike the first, i felt the pain of today's procedure. mas mahapdi din sya pagkatapos, kaya ang mala-sutla kong kutis, nangamatis! chos! pero sobrang hinde ko gusto ang outcome ngayon, mas obvious yung scabs. hinde na tuloy ako pupunta sa reunion namin bukas. hmp!

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

What the fuss! Parang kang kamatis nun sa Anawangin, buti na lang naligo ka ng sun block kaya hindi parang wala lang.. Hehe

Post a Comment