Monday, March 7, 2011

Days 60 to 65

DISCLAIMER: pasensya na at gamit ng may-ari ang camera, kuha lang sa camphone halos lahat ng pictures ngayon >:)


Day 60: March 1, 2011, Tuesday


kay susan tayo!

march na! at bilang tradisyon simula pa nung august noong nakaraang taon, binisita ko ulit ang website ni mareng susan miller para ikonsulta what's in store for me in march. maganda naman ang mga forecasts nya, favorable lahat dahil jupiter is in aries na. mga ganung chenes. pero isa lang naman ang gusto kong matupad sa lahat ng mga predictions nya eh, syempre yung tungkol sa lovelife.


Day 61: March 2, 2011, Wednesday


wacoal? wow, cool

my first ever wacoal pair. sumabit lang naman kame sa pagpunta ng bagong TM sa dati nyang office, ayan at naofferan tuloy kaming bumili ng underwear. in furnace naman, magandang klase talaga ang wacoal, hinde ko lang maafford dahil sobrang mahal sa mall. 50% ang discount kaya gora na ako sa pagbayla ng panty at bra.


Day 62: March 3, 2011, Thursday


congazhuleyzhons, you won a free jacket!

hinde ko matandaan kung ilang milyong workhours ang na-achieve na walang casualty to deserve this very special jacket! lol. pero may kalakip na bond ata ang jacket na ito, bawal daw magresign pag inissuehan ka neto. chos! ang libre ay libre. napakasarap ng libre :p


Day 63: March 4, 2011, Friday


fruit diet?!

bigla ko lang naman naisip eh... ano kaya kung sundin ko na ang payo ng dati kong dietician *ehem* tonet *ehem* na magfruits na lang daw ako sa gabi para hinde naman ako magmukhang may hydrocephalus sa tiyan? wala naman sigurong masama kung susubukan ko. para na din 'to sa kinabukasan ko at sa ikapapanatag ng loob ko. sana lang hinde ako mag-iiyak sa gabi dahil sa awa ko sa sarili ko. nagseself-pity kase ako pag gutom eh. hahaha!


Day 64: March 5, 2011, Saturday


may sakit ka?

hinde na kase conducive to living ang aking kwarto, kaya naisip kong maglinis kahit dis oras na ng gabi. oo, gabing-gabi na talaga dumating ang inspiration para maglinis. feeling ko kase eh kahit garapata ni potpot eh mangangati na sa dumi ng kwarto ko. OA? sana nga sipagin na ko lagi na sinupin ang kwarto ko.


Day 65: March 6, 2011, Sunday


rollercoaster ride

it's chutchut day again! at dahil umay na umay na ko sa kakalaro namin sa tom's world kada lalabas na lang kame, we tried something different: the X-Rider. according to philippine star:

The X-Rider is an eight-seat mini theater showcasing 12 different educational and adventurous themes that will surely make every child crave more. While the kid views images in a life-like three-dimension (3-D), the experience is on 4-D, which means the viewers feel what they are watching. For example, the audience can feel the vibrations as if they are in the scene and an actual participant. The X-Rider has movable seats, air jets, etc. to simulate amazing effects and other movements

kamusta naman si chutchut?! hinde sya nalula sa logjam pero dito sa x-rider eh iyak sya ng iyak. wahahaha! nakakalokang bata 'to! natakot sya sa gagamba na sumampal sa mga mukha namin. haha! nakakahilo sya ha, para ka ngang sumakay sa totoong rollercoaster. at kinakabahan din ako sa tuwing liliko at bababa kami. sumakit lang ang ulo ko, leche!

2 comments:

Patay Malisha Barton said...

@Wacoal - may pang one night stand ka na!

@Jacket - arbor naman!

@Apple Slices - ang susyal naman ng fruits mo, cut na at naka pack pa!

@Room - Ang linis naman. Puro pang asar naman mga comment ko, walang sense! Haha!

ellie said...

re: jacket, hinde kasya sayo yan dahil XS ang kinuha ko. ako nga natakot magsukat sa office nung pagkakuha ko nyan dahil takot akong maparatangan na nagaambisyong kakasya pa ko sa XS. wahahahaha!

re: apple - mashado lang ako nagmamadali para masimulan ang fruit diet, eh yan lang ang available nung pagkauwi ko. hehe.

Post a Comment