ayan, pumopose ka pa sa camera ha? manang-mana ka sa amo mo! hahaha! bago ako umalis going to office (ay rhyme!) ay nagpipictorial muna ako para alam ko kung maganda ang rehistro ko sa camera, baka lang sakaling may patagong kumuha ng picture ko (ay?) ayan, eh parang gusto nya sumama sa pictorial, kaya kinunan ko sya.
Day 131: May 11, 2011, Wednesday
today we got the saddest news. my friend my's father has passed on. kagabi lang, i was supposed to visit him in the hospital. he was in the ICU then, under coma, right from his heart attack. pero dahil gabi na ko nakauwi ng office, my friends advised me not to go anymore. may next time pa naman daw... pero yun na nga, wala nang next time.
i cried when my texted me at around 8AM telling us the news. ang bilis naman ng buhay, one attack then tatay was gone. i cried even more nung nagkwento na sila na gumalaw daw ang dila ni tatay nung pinabulong ko sa kanila last night ang message ko na pagaling sya. nanay crising was even telling them na kami lang daw ang barkada ni my na laging ibinibida ni tatay sa mga ka-tropa nya. nakakalungkot... palagi kase kame sa bahay nila sa bulacan nung college. then everything changed nung nagsipagtrabaho na, dumalang na nang dumalang hanggang sa mga special occasions na lang kame present. the last i saw him was november last year, pinipilit nya pa kaming pumunta ng piyesta, kaya lang nga eh may pasok nun. tatay was like a tatay to me, kaya siguro ganun na lang ang iyak ko at work today.
tatay puring, we love you. and you will surely be missed ='(
Day 133: May 13, 2011, Friday
oo na, ikaw na pinakamaraming tawag sa phone ko. at shempre, gustong-gusto ko naman. at teka, mashado na tayong nagiging close. ilang oras nga bang tayo lang ang magkasama? as in tayo lang? masama na 'to, sana hinde naman ako masanay sa ganito. pano na lang kung wala na tayong dapat pag-usapan? nakakalungkot naman. kaya sana wag mo kong sanayin ng ganito, baka hanap-hanapin ko ♥
Day 134: May 14, 2011, Saturday
pupunta kaming bulacan ngayon for tatay puring's wake, libing na din kase bukas. while looking for a money enclosure sa national bookstore, naaliw na naman ako sa mga greeting cards na nakita ko. when was the last time that someone gave me a card? matagal na... that's one thing i hate about the facebook generation, parang ginawa na nilang obsolete ang mga printed materials like cards and books. kaya isinusumpa ko, ang sino mang magbibigay saken ng card ngayon ay mamahalin ko na habambuhay :D
Day 135: May 15, 2011, Sunday
i know we're supposed to be mourning dahil kagagaling lang namin sa libing. pero sobra kaseng natawa ako sa tigpipisong chichirya na 'to. tanggap ko na kase nung una na ginagaya nya ang mang inasal, pero nung tinitigan ko, hinde naman pala. MA'AM inasal nga naman sya, so ibang-iba. wala syang ginagaya. hahahaha! mga pilipino talaga o.
Day 136: May 16, 2011, Monday
antagal-tagal ko nang naghahanap ng dress o kaya sa skirt sa mga mall para may maipangdagdag sa wardrobe ko, sa ukay-ukay lang pala ako makakakita ng gusto ko. napadaan lang naman ako dito kase feeling ko maaga pa para umuwe, kaya maggagala muna ako. i got this pair at 280 pesos. murang-mura diba? at hinde na ko nagsukat pa, isang tingin pa lang eh alam ko nang sukat sya. mukang madadalas ako ngayon sa ukay, kailangan ko lang talaga magtyaga na maghanap. at pwede pa palang tumawad? hinde ko alam yun ah! dibale, sa susunod na lang. naeexcite ako sa pwede kong mahalukay!
Day 137: May 17, 2011, Tuesday
dahil sa sobrang kabusyhan parang napapabayaan ko na ang kain ko. parang wala na sa oras, kung kelan ko lang maisip. pero hinde ko naman nararamdaman ang gutom, siguro dahil busog na busog ang puso ko. CHOS! hahaha! pero honestly, hinde ko na talaga namomonitor ang pagkain ko ngayon. lumalaki na nga ulit ang tiyan ko, kase hinde man ako kumakain ng kanin, balik chichirya na naman ako. mas pinipili ko pa nga mag-ice cream at tumambay sa lugar na pwede nyang tambayan, shempre sa yosihan. nyahahaha! itchura naman namin diba? lahat ng tao dun nagyoyosi tapos kame eh ice cream ang tinitira. eh sabe nga ni may, willing naman ata ako maging manok na bubugahan nya ng usok eh, eh di go!
Day 139: May 19, 2011, Thursday
sabe ko na, hinde na pwedeng ganito.. maghapon akong malungkot dahil matapos nyang magpaalam saken kahapon eh hinde ko pala sya makikita ngayon. ano kayang nangyari dun? sabe nya kase may pupuntahan sya... hinde naman nya sinabing hinde sya papasok ngayon. for the first time in weeks, hinde ata ako maghapong nakangiti ngayon. ang arte noh? sabi ko naman wag nya akong sanayin na laging anjan sya diba? =(
Day 140: May 20, 2011, Friday
nakakaloka! laking tuwa ko nang may makita akong ang pao sa workstation ko! nanginginig pa ako nang binubuksan ko 'to, ayun naman pala eh basura't kakornihan lang ang laman. pautot na naman ito ng kabibe, walang malamang pagkagastusan ng pera. patanong-tanong pa kung how's my blood pressure today... eh ayan, pinataas nyong dugo ko dahil pinamukha nyo na mukha akong pera! wahahahaha!


0 comments:
Post a Comment