Saturday, September 24, 2011

Days 230 to 235

Day 230: August 18, 2011, Thursday

sunooooog!

practice lang. sa 3 years ko sa shell, ngayon lang ako naswertehan ng fire drill. naswertehan dahil may mga assets ako na tumitimbre sa akin pag may nakaschedule na fire drill. sino ba naman ang may gustong bumaba using the stairs from the 23rd floor? pero nakaligtas sa akin ang isang 'to, kaya no choice. hinde naman ako buntis para maligtas sa pagbaba. akala ko nga sisiw lang, pababa naman kase eh. kinahapunan ko na naramdaman ang paninigas ng mga binti ko... araguuuuy!


Day 231: August 19, 2011, Friday

we built this SITI

first teambuilding ko as part of the SITI team. i transferred to the team april this year, and i am thankful for the genuinely kind people (save for a couple), it is quite a welcome change. masama nga lang ang loob ko dahil andami kong kaagaw sa mic, kaya never na akong magyayaya ng videoke sa kanila. hahaha!


Day 232: August 20, 2011, Saturday

dibidi dibidi!

dahil patuloy pa din ang strike sa bahay, bumili ako ng madaming dvd kagabi sa may dampa para may mapanood ako sa aking munting kwarto. matagal na akong hinde bumibili sa mga suking pirata, dahil nakakapagdownload naman ako sa mga torrent sites, at busy ako kakainternet. pero naaliw kase ako sa packaging ng mga blue ray discs na ibinebenta, kaya ayan at napabili ako ng lima ng wala sa oras. =)


Day 234: August 22, 2011, Monday

fellowship

bumaba ang mga diyosa dito sa lupa para magkita-kita. namangha kaming dalawa ni deejay sa kagandahang tumambad sa amin... si chirimi ay kutis artista na! tinanong namin sya kung saan sya nakakabili pa ng C.Y. Gabriel (ang sabong ng mga artista) ngayon, pero mali pala ang aming hula. diyosa kit from sulit (nga ba?) pala ang ginagamit nya! OMG, nakakahiya tuloy magpapicture kasama sya. wahahahaha!

anyway, nagtry kaming kumain sa Secret Recipe. pare-pareho kaming umorder ng chicken cordon bleu, at pare-pareho kaming naumay. masarap naman sya, nakakaumay lang talaga. buti na lang ay may kamias cake na kasama ang aming set meal para pampatanggal ng umay! charot!


Day 235: August 23, 2011, Tuesday

the sign

at dahil madalas na ulit kaming nagkakausap ni papa P ngayon, unti-unti ko na naman nararamdamang nahuhulog ang loob ko sa kanya. masarap naman kase sya talaga kasama. likas na mabait, i don't think he even has a mean bone in his body. ang gaan nya kasama, parang nothing can go wrong and nothing is worth worrying about pag anjan sya.

at dahil nararamdaman kong parang iba na 'to, i resorted to asking for signs. i haven't been doing it for the longest time, dahil alam ko namang sa signs ako madalas mapahamak. subok lang naman ngayon. sinabi ko sa sarili ko na malamang may kapuntahan naman ang matinding pagkakacrush ko sa kanya kung makakatanggap ako ng text galing sa kanya. mejo natatawa-tawa pa ko, dahil di naman imposibleng magtext sya. pero napatunayan ko na kase na wala syang kwentang itextmate, na hinde sya magtetext kung hinde mo rin lang naman sya itetext. kaya laking gulat ko pagkagising ko kinabukasan... etong text na to ang tumambad sa akin. OH-EEEEM!

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

Ay, AUGUST pa ito ah! At bakit nagpapaalam siya sayo na ngayon lang siya umuwi????

Post a Comment