umagang-umaga pa lang eh ginising na ko ng nanay ko mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. may libreng bakuna daw kase para sa mga aso sa barangay ngayon. at dahil ako lang ang nakakapagcontrol kay potpot, kailangan ko daw sumama. jusme! parang batang nagpakarga ang dambuhalang aso! ngayon ko lang narealize na dapat ko din pala syang pinapasyal. takot sa tao ang potah. anyway, natapos din naman ang pagturok sa kanya na walang nagwalang aso... at ayan at may libre pa syang bling-bling.
Day 206: July 25, 2011, Monday
wala na naman akong pagsidlan ng pera ko kaya kung ano-ano na naman ang binili ko. deejay's been talking a lot about pure beauty products for a long time now. pero dahil super sensitive ang skin ko, matagal bago ako naggive-in sa mga salestalk nya. hahaha! at dahil i am sleep-deprived these days, ang una kong susubukan ay ang eye-brightening essence nila. effective naman din daw sabe sa mga forums.
Day 207: July 26, 2011, Tuesday
hinde yan morge, excuse me! today i have another session for my back treatment at skin nutrience. ang buong akala ko nga eh may facial pa ko, kaya yun ang sinabi ko nung tumawag ako para magpareserve ng slot. yun pala, back treatment na lang ang natitira saken. anyway... frustration ko din na maging makinis ang likod ko. hinde man kase ako taghiyawatin sa mukha, sa likod ko naman sila lahat naglabasan. hinde ko lang sure pero nagstart yata yung backne (back acne) ko nung sinalinan ako ng dugo back in 2008. cguro madumi yung dugo na sinalin saken, kaya ayan, dumumi din ang likod ko. hehehe. after 3 treatments, pwede na cguro akong rumampa ng naka-backless!
Day 209: July 28, 2011, Thursday
diet-dietan ulit ako, pero natatakam ako sa chocolate at hinde talaga ako makapagpigil pag may nakita akong chocolate-mint. dark chocolate pa sya kaya kahit mahalya eh gora na lang din dahil matagal na akong hinde bumibili ng comfort foods ko. matabang sya ha! ganun ba talaga dapat pag sugar free?
Day 211: July 30, 2011, Saturday
sila ang mga kasama ko sa pagtulog. ang dami-dami na nila! kakadagdag ko lang jan nung bear na malaki, nabili ko sa may malapit na japan surplus store. kailangan ko din yatang magstock ng stuffed toys, dahil sa tuwing pupunta ang pamangkin kong si chut-chut eh may binibitbit syang isa pauwe sa bahay nila. nalagasan na nga si aida, si lorna at si fe this week. ayaw ko pa sanang ipauwe sa kanya, kaso ikaw ba naman sabihan ng "one lang tita, please?" eh hinde ba lalambot ang puso mo?
i miss chut-chut though. hinde na sya mashadong nagpupunta sa bahay, dahil nga nagsschool na sya, at siguro eh tinatamad din ang nanay nya na ihatid sa amin.
Day 212: July 31, 2011, Sunday
and because my horoscope said that if i have plans of buying electronics eh i should do it this july, ayan at hinabol ko talaga sya kahit 31 na. matagal-tagal ko na din namang pinagisipan na bumili ng laptop. kahit working pa naman ang aming desktop, gusto ko na din syang magretire dahil 8 years nya na kaming pinagsisilbihan. may naipon na din naman akong konting pera na nilalaan ko sa aking mga personal na wishlist. netbook lang din naman sana ang bibilhin ko, pero dahil may mura naman akong nakita, yung malaki na din binili ko.
sana lang hinde ako mapuyat kakakalikot sa kanya =)
Day 213: August 01, 2011, Monday
pampaalis ng stress sakin ngayon ang pagbili ng kung ano-ano. retail therapy, right. nawawala ang stress ko pag nasa mall ako, at pumipila ako sa cashier para bayaran ang mga bagay na napagtripan kong bilihin. tulad nito. parang bet kong maging kulot sa mga araw na 'to, dahil hinde ako inspired magsuklay kada minuto sa opis ngayon. and to achieve nice locks, kailangan ng mga hair products to hold the locks all throughout the day. ang hirap maging bakla, ano ba yan!
1 comments:
Bakit pa sweet ang wallpeper ng lappy mo?
effect ba yang bouncy? nagba bounce ba ng mala-angelica p yang hairlalu mow?
Post a Comment