Thursday, August 18, 2011

Days 191 to 203

Day 191: July 10, 2011, Sunday

stay in

4:30 na ng madaling araw ako nakauwe kahapon, saturday. tapos, saturday din ng 1PM, pumasok ulet ako. na ang uwe ko naman ay 2AM na ng madaling araw. kamusta naman yun diba? kaya eto, 5PM ng sunday, kagigising ko lang. where did my weekend go?! ka-stress na buhay. kung may asawa lang ako na mayaman at kayang tustusan ang luho ko, magpapakamatay ba ko sa trabaho ng ganito? kaso wala, wala! kahit boyfriend na dukha na handa akong damitan at pag-aralin sa Harvard, walaaaa! uuuyyyy, issues? hahahaha.


Day 193: July 12, 2011, Tuesday

yum-yum, burp!

BWAHAHAHAHA! konting background lang tungkol jan sa "yumyum, burp" na yan. meron kaseng FB account na naaaliw akong tambayan (note: hinde ko sya iniistalk, naaaliw lang ako sa mga posts nya pramis!), itago na lang natin sya sa pangalang current-fling-ni-ex-bf. fling lang, kase hinde naman sya inaamin eh (may inamin ba?). ayun na nga, sa tuwing napapasyal ako sa FB page nya na parang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain, nakikita ko ang mga status at comments nya sa mga friends nya. at ang mga ito'y umiikot lang sa dalawang salita: yumyum at burp. wahahaha! hinde ko naman sya nilalait, natutuwa pa nga ako sa kanya. parang ano lang, alam mo nang corny yung joke pero natatawa ka sa sobrang kakornihan. mga ganun.

ayan, muntik ko na makalimutan yung chocolates na yan. pasalubong sya ng bagong team lead ng dati kong team. nakakatuwa lang naman at kasali pa din ako sa hatian. alam kase ata ng naghati ng pasalubong na heaven ang feeling ko pag may chocolate sa bunganga ko. hehehe.


Day 195: July 14, 2011, Thursday

the end is here

finally... after the long wait, here's the final installment of the last harry potter movie. grabe, more than 1 year ang inantay ng mga fans na katulad ko. and the waiting was so worth it! indeed, it was the perfect ending to a decade-old saga. para lang akong tanga na humihikbi after nung movie. waaaaahhh! it's over. i'll wait for it to sink in. for a deeper look on what i felt about the last movie, read here.



anyway, it was my first time din to watch in IMAX. wow, what an experience! pinag-ipunan ko pa kase ang pang-IMAX ko, nyahaha! ano kaya ang susunod kong papanoorin dito?


Day 197: July 16, 2011, Saturday

cuticle remover shake

i dreamt last night that my mom died. i wasn't crying hysterically in my dreams, but through that single tear i could make out of the images, i terribly felt the loss even after several minutes that i woke up. the feeling seemed so real i was kind of shaken up, and felt i should be making up for everything i've done wrong to her.

i was supposed to spend some time alone today after that gruesome two weeks i spent working my butt off. but because of that dream (err, nightmare?), i asked my mom if she wants to go to the grocery with me. shempre, gora naman si mama. after we did the groceries, nagtakeout na lang kame ng food. she went to buy a zagu strawberry shake. nagulat naman ako sa itsura. hinde ko sya kayang inumin kung ako ang nag-order nyan. para lang akong lumalaklak ng cuticle remover. yuck.


Day 198: July 17, 2011, Sunday

take 2!

so hinde naman na siguro OA kung nagpalipas naman ako ng 2 days bago umulit ng panonood diba? hehehe. today, i went out to watch harry potter 7.5 for the second time. i was alone, but lovin' it. at akala ko hinde na ko iiyak, kase dyahe naman umiyak ng mag-isa ka lang. pero ayun, i cried at the same scenes, same lines and same times throughout the movie. haaaaayyy, kaya ko 'to. i can get over this one.


Day 200: July 19, 2011, Tuesday

to world domination

i am back to reading jessica zafra books. ewan ko, feeling ko kase dahil may kausap akong bobo araw-araw kaya feeling ko pumupurol na din ako. i need to surround myself with smart people like zafra, or atleast her books. hahaha.

and i think the bitch is coming back. napipilitan si bitchy-me na lumabas sa mga panahong 'to, kaya i have to consult with zafra for witty come-backs. lol.


Day 201: July 20, 2011, Wednesday

checker?

may bago akong profession: ang pagiging checker. o imbestigador? may mga anomalya kaseng nagaganap sa opisina, kaya bilang dating auditor, eto at nangangalap ako ng ibidinsya. ganun ako kabored sa buhay ko siguro, kaya pati itong mga amateur crooks eh pinapatulan ko.


Day 202: July 21, 2011, Thursday

happy anniversary, SBSC!

wala nang mashadong pa-etchos ngayon sa anniversary celebration namin sa office, kaya umayos naman ng slight compared to last year ang pagkain namin. quickly and jamaican patties, okay na ding pantawid gutom. hahaha! this is the 4th anniversary that i experienced in the center, at every year ay pababa ng pababa ang quality ng celebration. pero akalain mo yun, aabot pala ako ng 3 years dito?! puro ako reklamo pero hinde ko naman mahiwalayan. parang boyfriend lang diba?


Day 203: July 22, 2011, Friday

more energy, mas happy

dahil likas akong inggitera, ayan at gumaya na naman ako sa no.1 fan ni deejay. wahaha! dahil ang press release nya ay parang gumagaan daw ang pakiramdam nya simula nung uminom sya ng Myra-E, shempre i have to see it for myself diba? in fairness naman (o feeling ko lang yun dahil yun nga yung supposed-to-be epekto nya?) eh parang umaliwalas ng slight ang aking fez after ilang capsules. despite the toxicity at work yun ha? so pwede na ba kong kapalit ni ate iza calzado sa TVC nya? chos!

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

Nyahahahahaha! Bumigat kaya ang feeling ko nung uminom ako niyan dahil tumaba ako! Ahahahaha! Magiging kamukha mo si Iza kapag hindi mo tinantanan yan!

@cutiecle remover - nagbonding pa pala kayo ni mader ...

Post a Comment