Sunday, August 7, 2011

Days 181 to 190

Day 181: June 30, 2011, Thursday


footang-ina

hinde kagandahan ang paa ko dati dahil hinde naman talaga ako maayos sa katawan nun. at shempre pa, wala pa kong panggastos talaga nun. pero dahil mayaman na nga ako (chos!), eto at nakakaafford na kong makabili ng isang set ng foot pampering products. hehehehe! natuwa lang naman ako kase mahilig nga talaga ako sa mint, itatry ko din sa paa. so far, feeling ko nakakaputi sya ng paa. feeling ko lang naman yun :p


Day 184: July 03, 2011, Sunday

boy labo

parang nagiging permanente na yung kunot ko sa noo dahil hinde ko na kasukat ang grado ng mata ko. lagpas one year na din nung huli akong nagpasukat ng salamin. at feeling ko, sa sobrang tutok ko sa PC ngayong mga panahong 'to eh mukang sky-rocketing na naman ang grado ko. and i better get those glasses since it'll be the quarter close week this week. puyatan na naman! mahapdi sa mata magcontact lense kung puyat.


Day 186: July 05, 2011, Tuesday

taxi from hell

going home at 6 AM, all you want is to reach your house and fling yourself to bed. but safely that is. this taxi seems to be on it's way to hell, and i am just so not ready for it. si kuya, parang natatae lang o walang pambili ng brake fluid, o walang pamilyang nagmamahal sa kanya. sobrang ang bilis nya magpatakbo ng taxi! ang naisip ko lang, hinde pa ko pwedeng mamatay ngayon dahil workday 7 pa ang deadline ng GARANCE reports ko. papatayin ako ng kliyente pag namatay ako ngayon. so double-dead, ganun.


Day 187: July 06, 2011, Wednesday

the elevator

what do you do when you get in the elevator and realize that you're riding it with the person you like and the person you most hate? uncomfortable eh? today, i was able to get that experience. nakasabay ko sa elevator si papa P, pero dahil may kasama syang hinde kanais-nais sa mata, dinedma ko sya ng bongga. oo, nagseselos nga ata ako. o dahil hinde ko din talaga alam mararamdaman ko. pero hinde ata sya sanay na hinde ko sya pinapansin, kaya si papa P, nagpapansin. hinila ang napakaganda kong buhok. ganun-ganun lang, parang naing invisible lahat ng taong kasabay namin sa elevator. ganun-ganun lang, hinde na naman matanggal ang ngiti ko. hahahaha!


Day 188: July 07, 2011, Thursday

pampagising

at dahil linggo ng puyatan ngayon, kailangang-kailangan ko ng kape para mabuhay. halos apat na oras lang ang naitutulog ko since monday, ang hirap-hirap manatiling gising. madami pa ding gagawin, at madami akong GC kaya ayan at pastarbucks-starbucks na naman, ahahaha. bukod sa peppermint mocha na favorite kong orderin pag christmas season, mukhang favorite ko na din ang caramel macchiato. =)


Day 189: July 08, 2011, Friday

1+1=2

i need caffeine as much as i can get. sa tatlong taon ko na ginagawa 'tong report na 'to, ngayon lang ako sobrang nastress. gawa na din siguro ng mga tao sa paligid ko. at sa pagod na din sa pakikiasalamauha sa mga baluktot na tao. nakakapagod na, sobra =(


Day 190: July 09, 2011, Saturday

ang changi kong mahal

sa sobrang kabusyhan, ni hinde na ko makapagtoothbrush man lang. ganuuuuun kabusy. buti na nga lang ang hinde ko talaga kinakaya pag sobrang kumulo na ang tiyan ko, kung hinde, malamang wala na ding kainan 'to. alam ko sobra na, alam kong hinde naman ako sasabitan ng medalya pag nagpakamatay ako sa trabaho, pero ang nasa isip ko lang eh matapos na lahat. gustong-gusto ko na ding magpahinga. gustong-gusto ko na umayaw... hinde na ko masaya =(

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

bwahahahaha@double dead! Career pa rin ang nasa isip mo, ako ang naiisip ko eh mababalo ang magiging future ex-husband ko kapag nategi sa mabilis na bus!
@elevator hair - ip i know nilagyan mo ng pananda yang buhok mo para mapicturan mo! hehehe
@footangina - susyal! hugis na hugis na paa mo ha!

Post a Comment