Tuesday, March 29, 2011

Days 77 to 83

Day 77: March 18, 2011, Friday

sale! sale!

bago tumulak ng anawangin, naki-sale muna kame sa robinsons galleria. shempre, kasama na din jan ang mga last minute shopping for things that we'll be needing for our trip. i got these books for only 68 pesos, a great bargain. sana lang maumpisahan ko na 'tong basahin. andami ko nang nakapila na babasahin!


Day 78: March 19, 2011, Saturday

and we're here!

finally, after a stressful negotiation with our lead guide, we're here in the beautiful island of anawangin! we never expected the kind of "groupmates" we got. we were bracing ourselves for the rowdy group, but no, we were given the conio types. like, OMG! i have nothing against rich people, but these guys are different. they are rude and they are nothing but brats. pweh, let me correct that: they aren't even rich. camera phones nga lang ang gamit nila for taking pictures, and i didn't even see anyone using iPhone or blackberry. buwiset, mga nagmamasusyal lang naman pala.


Day 79: March 20, 2011, Sunday

i didn't expect this

like an acceptance speech after an award, we didn't expect it. seems like this trip will be full of surprises. wala kasing nakalagay sa itinerary namin na may trekking, lalo na't ang trekking ay itinaon pa na magtatanghaling tapat. hingal kabayo na kame kalahati pa lang ng daan, hinde kinakaya ng tsinelas ko yung mahabang batuhan na dinaanan namin. what have we done to deserve this?! but because we signed up for adventure, hinde naman kami mashadong nagreklamo dahil madami din namang mga boylets ang nagmamagandang loob na tumulong lalo na sa mga lampang katulad ko. nadapa pala ako ng isang beses, katangahan lang at sa bigat na din ng katawan. at dahil sa pagmamahadera, muntik na din akong dumausdos pababa. mabuti na lang at nerbiyoso ang isang kuya at nagpatiuna na syang bumaba para alalayan kami. hehehe.


Day 80: March 21, 2011, Monday

fruithy thruth

dahil madami-dami kaming nakain sa aming 2-day trip, eto't balik na naman ako sa aking fruit diet. hinde naman ako nagseself-pity dahil kaing-kaing na prutas din naman ang nakakain ko, kaya hinde ko din feel na ginugutom ko ang sarili ko. in furnace, effective naman sya dahil umimpis na ang bilugan kong tiyan. hinde ko na din gaanong nagagamit ang magic binder dahil maluwag na sya =)


Day 81: March 22, 2011, Tuesday

training day 1

dahil i was appointed SOX focal for the cluster, naging busy ang aking mundo for the past weeks in preparation for this training. all cluster focals will spearhead the training of SOX testers for the whole department. ayoko ng mga ganitong activities nung una, because of my stage fright mainly. but i never thought i'd enjoy it. i had a new set of friends from outside our team. masaya palang maki-mingle sa iba, those people that you thought you would never get along with turned out to be cool and full of sense. i am very thankful for letting me realize that, lalo na ngayon that there's another mayhem in the team. tsk tsk. team mafi is annoying the hell out of me.


Day 82: March 23, 2011, Wednesday

training day 2

today is the 2nd day of our 2-day training. graduation na ng mga bagong SOX testers! earlier during the day, it was my turn to present. dahil sa natutunan ko sa aking "newfound friend", naglagay ako ng barya sa sapatos para matanggal daw ang kaba habang nagsasalita sa harap ng 60 tao. hinde naman effective! kabang-kaba pa din ako, hahaha!


Day 83: March 24, 2011, Thursday

Day 83.a brace yourself

ngayon naganap ang katuparan ng aking mga pangarap. bwahahahaha! matagal ko ng pangarap na maipaayos ang ngipin ko, dahil nga mula ng nagdalaga ako, naconscious na ko sa kanya. ngayong mayaman na ako (chos!), nagtabi na talaga ako ng pera para dito. kahit nga kasabay ng madami pang gastos dala ng graduation ni bunsong kapatid, itinuloy ko na dahil malamang sa malamang na mapupurnada na naman 'to. ngayon, makakangiti na ko ng ubod ng tamis. pang-asar nga lang yung smile ko sa picture dahil hinde ko pa napapractice ang ngiting labas-gilagid. lol.

Day 83.b license to kill

dahil magti-three years nang expired ang lisensya ko, i took advantage of my leave today para irenew 'to. pinili ko na yung Fast ID para hinde na ko maghihintay ng schedule para balikan yung ID sa ibang araw. i paid an additional 450 pesos for that. sa mahal ng fee, ang sungit pa ng photographer na ayaw magpa-take two kung halimbawang ayaw mo ng unang kuha nya. para namang nakakapagod pumindot sa mumurahin nilang digicam no?!

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

Buti na lang nakapag braces na rin ako bago ko nakita yung brace yourself pic mo! Wahahaha!

Post a Comment