Monday, March 7, 2011

Days 54 to 59

Day 54: February 23, 2011, Wednesday


polusyon

i swear, tamad na tamad talaga ako ngayong magkikilos. ang dati kong malinis na kwarto ay para nang kweba na pinamamahayan ng isang libong diyablo. chos! ang OA no? pero sobrang gulo talaga ng kwarto ko ngayon, may mga maduming damit sa lahat ng pwedeng pagsabitan, nagkalat ang mga nalagas kong buhok, at yan, ang electric fan kong yellow ay puno din ng alikabok. kelan kaya ako tatamaan ng kasipagan? =(


Day 55: February 24, 2011, Thursday


kaching-kaching!

grabe, hinde ko napaghandaan ito! for my toiletries alone, i have spent a whopping 2,180 pesos! pero okay lang, hinde naman buwan-buwan ganyan. nagkataon lang na sabay-sabay naubos ang mga pangangailang pangkatawang-lupa ko kaya umabot ako ng ganyan kalaki. kasama na lahat jan, lahat ng malilinis at mapapaganda mula ulo hanggang paa :D


Day 56: February 25, 2011, Friday


happy birthday february celebrants!

at dahil matatapos na ang buwan ay hinde pa kame nagkikita-kita para magcelebrate ng birthday ng mga february celebrants (elphie, my and chai), dinaan na ang celebration sa santong paspasan. takot kasi sila na sa march na magcelebrate ng birthday nila kasabay ng birthday ni Patrong Boni, kaya itinuloy na ang videoke session by hook or by crook. kulang nga lang kame tonight.


Day 57: February 26, 2011, Saturday


bulag sa katotohanan

i wore my eyeglasses yesterday dahil schedule ko ng annual physical examination. mahirap sukatin ang grado ng mata kung nakacontact lens ako diba? i kinda missed wearing glasses kaya i wore it all day today. sa bahay lang kase ako nagsusuot ng salamin.


Day 58: February 27, 2011, Sunday


yeah yeah yeah!

finally! natuloy na din ang matagal nang plano na magpunta ng EK. ang aga namin nakarating ng EK, mga 1 hour before the park opened. soooobraaanng saya! chutchut is the bravest kid i've known. sumakay sya ng Log Jam ng walang takot. eh ako ngang kukuha lang ng picture eh nangangatog sa habang inaabangan sila. she also enjoyed Wheel of Fate, walang kalula-lula. at sa Rio Grande, kahit sya ang pinakanabasa sa aming lahat, ang tanging sinabe nya lang eh "isa pa! isa pa!" and... we had this family picture taken. kelan ba yung last naming family picture? baby pa nun si aeson alam ko. at ayokong ipost yung picture na yun dito dahil muka na naman akong katutubong ita dun. bwahahaha!


Day 59: February 28, 2011, Monday


goodbye february

i bid february goodbye, and goodbye as well to a love that's long overdue. this month i have uncovered a painful truth: that people will always have vested interests, and i should learn to be wary of them.

goodbye february. and i am hoping to start anew.

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

@toiletries - kalurki, ang dami mong shinopping!
@family picture - brave girl chutchut, mana sa tita! chos! Pa frame mo na yang family pica niyo. Minsan lang yan!

Post a Comment