Pages

Monday, September 26, 2011

Days 248 to 260

Day 248: September 05, 2011, Monday
kitakits ng mga utawtchi

nagpatawag ng emergency prayer meeting ang mga kapeks bilang pagbibigay-pugay sa greatest movie of all time. wahahaha! pare-pareho na naming napanood ang zombadings pero sa magkakahiwalay na sine. hinde lang kami makaget-over siguro sa tuwa kaya ayan at biglang napaluwas (probinsya?) si chirimi nang sinabi namin na magkasama kami ni deejay at manonood ng zombadings. tawa pa din kami ng tawa, at talagang pinagetching ang chant ni kuya dick habang nagtatawag ng mga kaluluwang colbam:

charoterang isprikitik, umappear ka vakler
magpafeel, magpasense ditei sa baler
witish shokoley ang mga utawtchi ditei
sa fez mo mumar na nakakalurkey


at shempre, sinong hinde mapapaindak sa sayaw ni remington na ang sikat na sikat na Solid Gold dancers pa yata ang nagchoreograph?

credits to owner


Day 249: September 06, 2011, Tuesday

taking advantage

ayan, maaga na akong umuuwe ngayon dahil tamad na tamad talaga akong magstay sa office ngayon. minu-minutong kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko yung mga kinaiinisan kong tao dun. kaya imbis na mabadtrip, tumatambay na lang ako sa mall at bumibili ng mga bagay na nakakapagpasaya saken. 500+ points na pala ang laman ng aking SM advantage card. kaya ayan, kesa maforfeit na naman eh ginastos ko na sa mga kakikayan. yung pure beauty shampoo effect ha! malamang bumili ulit ako nyan pag naubos na.


Day 254: September 11, 2011, Sunday

my first inter-barangay trip with the girls

medyo matagal na since yung last naming kitakits. malungkot pa yung last time na yun, kaya hinde namin alam if it's the right time na magyaya ng susunod na kitakits kaya natagalan. gusto sana naming sa MOA magkita-kita para maiba naman ng ambience, kaso may bagets na kasama kaya hinde pwdeng lumayo. we settled for centris kahit wala ni isa pa sa amin na nakakapunta pa dun. nag-enjoy naman kaming magpictorial sa mga flying saucers dun. at dahil tumatanda na kaming lahat, bahagya naming napag-usapan ang pagtatayo ng business na pwede naming asikasuhing magbabarkada. at dahil may mga bagets na natuwang lumapit sa amin (napagkamalan ata kaming mascot), naisip naming baka ito na ang sign! naexcite kami sa idea ng pagtatayo ng indoor playground for kids. pare-pareho kaming may appeal at mahilig sa mga bata, baka eto na ang best business for us! chos!

but we know it takes more than signs to put up a business... it's a long way for us, but atleast we have already started.


Day 255: September 12, 2011, Monday

i am powerful

abi's back from london! and what originally was a request for a lacoste perfume, she came home with my authentic replica (an oxymoron, right) of the elder wand from Harry Potter! sobrang inggit ako that she was able to see all these memorabilias in person. lucky, lucky her! but now that i got the elder wand, i want to zap all dementors at work. i want to cast a stunning spell (or avada kedavra perhaps?) for some peace of mind. this costs me an arm and a leg, but i dont mind. i would have spent more if i was the one who saw all these stuffs myself.


Day 256: September 13, 2011, Tuesday

heaaveeeeeeeeenn

and although i feel like i am slowly gaining back weight dahil i can't stop from eating these days, ayan at parang mahahalikan ko sa tuwa ang nagbigay ng chocolates na yan. ang sabi ko pa nga eh hinde ko na muna sya bubuksan hanggang makauwe ako ng bahay. but i can't stop myself. come 6pm, napangalahati ko na sya. uh-oh. this is bad news. am i bingeing?


Day 257: September 14, 2011, Wednesday

doodles

wala talaga ako sa focus these days. hinde ko alam if i really want out that badly kaya wala na ang utak ko sa pagttrabaho. kakapasok pa lang, gusto ko ng umuwe. at ayan, instead of taking down notes in a meeting, nagddrawing ako at halatang hinde nakikinig. i hope this would change. i feel so useless, so unfulfilled.


Day 259: September 16, 2011, Friday

london pad... mousepad

it's friday and got nothing to do. nakatambay ako sa workstation nila abi when i saw this mousepad. london has been one of my greatest dream places to go to. i remember telling everyone that i really want to go there, kahit one year lang, just to acquire the accent. nyahahaha! pero i have been watching movies that featured the place, and i so love it. it has the perfect amount of gloom and cheeriness. i promise myself that i would go there someday. sana matupad =)


Day 260: September 17, 2011, Saturday

schoolgirl

finally, the school girl is here! matagal na din hinde napunta sa bahay si ruth-ruth, sobrang namiss ko ang bagets. busy sa school ang bagets, kaya hinde daw mashadong pinapasyal. shempre sabado lang ang pahinga, tapos sunday gagawa na sya ng mga assignments nya. nakakatuwa, kaya na nyang isulat ang pangalan nya, kilala nya teacher nya, pero hinde sya mashadong nagkkwento tungkol sa mga ginagawa nya sa school. nag-eenjoy kaya sya? we got to spend the whole day with her, shempre, butas na naman bulsa ni tita. but it's all worth it ♥

Sunday, September 25, 2011

Days 236 to 247

Day 236: August 24, 2011, Wednesday

session

my friend bel has the same dilemma as i am having right now: to quit or not to quit. kaya naman we had this catch-up lunch, at kailangang magpakalayo-layo (as far as RCBC Plaza) para lang makasigurado na walang ibang taong makakarinig. we are both not happy with what's happening to our jobs right now. she, with her new tasks... me, with my new boss. the sorrows of the employed.


Day 239: August 27, 2011, Saturday

vampire diaries

finally, i got to watch it. pinahiram ako ng isang officemate who's addicted to the series. honestly, i am reluctant to watch it. i have had enough with the vampires after i watched and read the twilight saga. i must say twilight ruined it for all the vampire stories out there. alright, spell ABHOR. isang malaking pagaaksaya ng pera at oras talaga yang twilight na yan. gusto kong punit-punitin mga librong binili ko (yes, i bought the whole set. all four books!) vampire diaries is way better. but episodes more into the first season and it's slowly becoming twilightish na din. hohuuuuum.


Day 241: August 29, 2011, Monday

pasalubong mondays

hello monday, hello pasalubong! if officemates went on vacation over the weekend, expect pasalubong! bumabaha na naman ng chocolates, kaya ayan at buhay na buhay na naman ako. haaaayy, ako kaya, kelan makakapagbakasyon? it's a rare instance talaga na madami pa kong natitirang vacation leaves even when it's already half past the year. masipag ba kong pumasok ngayon o wala lang talagang panahong magleave?


Day 243: August 31, 2011, Wednesday

charoterang sprikitik, umappear ka vakler

first day of showing pa lang, eto at nakapanood na agad ako. does that make me a certified honorary member of the gay community? sobrang excited ako mapanood tong movie na 'to the first time pa lang that i came across a trailer of it in youtube, months before it was opened to public showing. nakakasawa na kase ang mga heavy drama at feel-good movies. at hinde na din nakakatuwa ang mga pene movies masked as indie films. pag ba may titing ipinakita indie film na? kalurkey!

anyway, it was a great movie. i had a good laugh. may social relevance pero hinde pilit =)


Day 246: September 03, 2011, Saturday

bumabaha ng pizza

minsan lang ako maging generous sa bahay, at isa ang araw na 'to sa mga minsan na yun. meron kasi kaming inavail na coupon back in May, parang palm card sya ng pizza hut. buy 1, get 1 pizza free. di ko matandaan kung nasarapan kase ako sa domino, kaya ngayon ko lang naisipang i-try namin. in fairness ha, nagustuhan ko yung potato pizza nila. pati yung cheese pizza, yumyum buurp talaga! hahaha! sana'y maulit muli.


Day 247: September 04, 2011, Sunday

potpot, the ballerina dog

dahil wala akong magawa sa bahay at hinde ko naman feel lumabas these days, kailangan kong may paglabasan ng aking kinikimkim na boredom. eh etong aso ko eh super hyper, ayan, sya ang napagtuunan ko ng pansin. siguro eh may balak na naman ang nanay ko na ipamigay yang damit ni ruthruth sa mga amiga nyang shutanginamesh, kaya isinuot ko na lang kay potpot. may pagkabading ata pati ang aso ko, feel na feel nya naman ang tutu! naawa langg ako kase mejo tumamlay sya ng slight pagkatapos nyan, nagself-pity yata dahil feeling nya napaglaruan sya. ahaha.

Saturday, September 24, 2011

Days 230 to 235

Day 230: August 18, 2011, Thursday

sunooooog!

practice lang. sa 3 years ko sa shell, ngayon lang ako naswertehan ng fire drill. naswertehan dahil may mga assets ako na tumitimbre sa akin pag may nakaschedule na fire drill. sino ba naman ang may gustong bumaba using the stairs from the 23rd floor? pero nakaligtas sa akin ang isang 'to, kaya no choice. hinde naman ako buntis para maligtas sa pagbaba. akala ko nga sisiw lang, pababa naman kase eh. kinahapunan ko na naramdaman ang paninigas ng mga binti ko... araguuuuy!


Day 231: August 19, 2011, Friday

we built this SITI

first teambuilding ko as part of the SITI team. i transferred to the team april this year, and i am thankful for the genuinely kind people (save for a couple), it is quite a welcome change. masama nga lang ang loob ko dahil andami kong kaagaw sa mic, kaya never na akong magyayaya ng videoke sa kanila. hahaha!


Day 232: August 20, 2011, Saturday

dibidi dibidi!

dahil patuloy pa din ang strike sa bahay, bumili ako ng madaming dvd kagabi sa may dampa para may mapanood ako sa aking munting kwarto. matagal na akong hinde bumibili sa mga suking pirata, dahil nakakapagdownload naman ako sa mga torrent sites, at busy ako kakainternet. pero naaliw kase ako sa packaging ng mga blue ray discs na ibinebenta, kaya ayan at napabili ako ng lima ng wala sa oras. =)


Day 234: August 22, 2011, Monday

fellowship

bumaba ang mga diyosa dito sa lupa para magkita-kita. namangha kaming dalawa ni deejay sa kagandahang tumambad sa amin... si chirimi ay kutis artista na! tinanong namin sya kung saan sya nakakabili pa ng C.Y. Gabriel (ang sabong ng mga artista) ngayon, pero mali pala ang aming hula. diyosa kit from sulit (nga ba?) pala ang ginagamit nya! OMG, nakakahiya tuloy magpapicture kasama sya. wahahahaha!

anyway, nagtry kaming kumain sa Secret Recipe. pare-pareho kaming umorder ng chicken cordon bleu, at pare-pareho kaming naumay. masarap naman sya, nakakaumay lang talaga. buti na lang ay may kamias cake na kasama ang aming set meal para pampatanggal ng umay! charot!


Day 235: August 23, 2011, Tuesday

the sign

at dahil madalas na ulit kaming nagkakausap ni papa P ngayon, unti-unti ko na naman nararamdamang nahuhulog ang loob ko sa kanya. masarap naman kase sya talaga kasama. likas na mabait, i don't think he even has a mean bone in his body. ang gaan nya kasama, parang nothing can go wrong and nothing is worth worrying about pag anjan sya.

at dahil nararamdaman kong parang iba na 'to, i resorted to asking for signs. i haven't been doing it for the longest time, dahil alam ko namang sa signs ako madalas mapahamak. subok lang naman ngayon. sinabi ko sa sarili ko na malamang may kapuntahan naman ang matinding pagkakacrush ko sa kanya kung makakatanggap ako ng text galing sa kanya. mejo natatawa-tawa pa ko, dahil di naman imposibleng magtext sya. pero napatunayan ko na kase na wala syang kwentang itextmate, na hinde sya magtetext kung hinde mo rin lang naman sya itetext. kaya laking gulat ko pagkagising ko kinabukasan... etong text na to ang tumambad sa akin. OH-EEEEM!

Monday, September 19, 2011

Days 214 to 229

Day 214: August 02, 2011, Tuesday

papa P as in potion

when was the last time that let myself be a kid again? the smurfs bring me back tons of childhood memories. back when my kuya and i were so close, when he would set-up a mini-art exhibit in his room for his little sister, showcasing all our toys in makeshift pedestals. i also miss collecting figurine panini stickers. i have rainbowbrite and carebears while kuya has thundercats and snorkels. oh my, bittersweet memories. i wanna go back to these times. no heartaches, no complications.


Day 216: August 04, 2011, Thursday

smurfette

nasimulan na din lang, eh di ituloy-tuloy na. i got my second smurf today from mcdonalds. but i'm not planning to watch the movie. i don't want to see it in 3D, i want to preserve it in my mind in the classic 2D animation :D (aaarrtte!)


Day 220: August 08, 2011, Monday

lamowk siguradowng teypowk

at dahil sarap na sarap na naman ang mga lamok sa mura kong katawan at dahil andami ko nang nababalitaan na dinadapuan ng dengue, natakot naman ako kaya bumili ako ng proteksyon. eto na pala ang uso ngayon, modern katol. bawal kase sa akin magkatol, baka maadik na naman ako. chos! hinde, sabe may konek daw sa aking anemia. di ko naman maarok paano nangyari yun. anyway, okay naman sya, atleast hinde mashadong masakit sa ilong.


Day 221: August 09, 2011, Tuesday

shusmita sen

i scored this cute pair in the japan surplus store near our home and i just sooooo love them. i have sworn i will not buy shoes from surplus shops / ukay-ukay, because i just thought it was so unhygienic. good thing that this pair seems like an old display since i saw it still has the stickers on the sole. and did you know that i only paid 120 pesos for them? yeeeeeeeeey!


Day 225: August 13, 2011, Saturday

maki-kikain po

may konting hanash sa bahay ngayon kaya naghahunger strike na naman ako. sa loob lang ako ng kwarto ko palagi, nanonood ng DVD at dun na din kumakain ng mga pagkaing tinake out ko. ang hirap magmatigas para sa taong walang kapride-pride na katulad ko. hinde naman talaga ako marunong manikis, pero kailangang merong matuto ng leksyion nya.


Day 227: August 15, 2011, Monday

ola-lay

meron akong nafree na 15 grams na tube ng olay cream nung bumili ako ng shampoo a few weeks before. effect naman sya, feeling ko nagiging kamuka ko na naman si bea alonzo. kaya eto, nag-invest (invest talaga?) sa mas malaking version ng olay. eto lang talaga ang bisyo ko, ang gastusan ang luho ko sa pagpapaganda. (chos?) seryoso, di ko naman kinakarir ang pagpapaganda, sumasaya lang talaga ako pag may nabibili akong mga gantong kakikayan para sa sarili ko. masama ba yun?


Day 229: August 17, 2011, Wednesday

biodegradable and non-biodegradable

hinde naman yan basurahan, lalagyan sya ng maduming damit. kaso kase, muka na namang malaking basurahan ang kwarto ko. ang mga maduduming damit ay nagkalat dahil hinde ko alam kung sino sa bahay namin ang kumakain ng mga basket na dati kong lalagyan. in furnace, buti naman at nagmatch ang color na nabili ko sa kulay ng kwarto kong nagmumura sa katingkaran. i seriously need to think about getting it repainted. feeling ko sumasakit ang ulo ko sa kanya.