muntik nang bumaliktad ang bahay namin dahil sa paghahanap ko sa strap ng bra na 'to. sa lahat naman kase, ang pinakamadaling paraan para magalit ako eh yung iwala, sirain o pakialaman mo ang mga gamit ko. ilang beses na ba akong nagwala dahil hinahawaan sa paglalaba ang bago kong damit? ilang beses na din bang sumabog ang mga cabinet sa amin pag nalaman kong nawawala ang damit ko na itinago dahil nasunog sa pagpaplantsa? paranoid ako pag may bago akong biling gamit, kaya imagine na lang kung pano na naman ako nagwala nung nakita kong nawawala sa pagkasampay ang isang strap ng bagong bili kong bra. ang OA ko ba? eh kase iniisip ko lang naman, investment ko yung mga yun, mahal ang bili ko dun tapos sisirain lang? hallluuurr?
Day 94-98: April 04-08, 2011, Monday to Friday
hehehe... may pinagttripan pala kame ngayon sa FB, common friend namin nila may at deejay. explosibong eksklusibo kase ang mga status nya, talagang kaabang-abang. dahil nga din sa kanya kaya feeling ko babangon mula sa pagkakahimlay ang daan-daang dummy accounts ni mey sa FB. chos! bwahahaha! pero hinde sya ang dahilan ng picture sa taas.
nagsimula this week ang training ko sa bagong process sa nilipatan ko. thank God for this opportunity, dahil my brain cells would have died if i stayed in my previous process any longer (ayon yan sa boss kong panot). three years i've been doing the same process, kahit nakapikit pwede mo syang gawin, kaya nakakabagot na. kaya thankful ako for this chance. busyng-busy nga lang this week dahil sa kabi-kabilang telecons at meetings. well, better busy than bored.
Day 99: April 09, 2011, Saturday
after three years of missing him, our fiend arnel is back from the land of the arabs. at dahil namiss namin sya, nabingi siguro sya sa paulit-ulit naming sabi na ang taba-taba nya! aren't we sweet? hahaha! anyway, may slight na tampuhang naganap before this get-together, but all's well that ends well. matatanda na kami para pahabain pa ang mga tampuhan na yan.
we missed you obeikan! =)
Day 100: April 10, 2011, Sunday
nasa kasarapan ako ng panonood ng love story ni popoy at basha (ulet?!) nang biglang nawala ang cable. maya-maya ay may kumakatok na sa pintuan ng bahay namin at nagbigay ng leaflet na yan. at pasensya na daw kung subscriber na ng sky, dahil kasalukuyan silang nagkakabit ng digibox. walang pali-paliwanag... sinira nya ang moment ko! yun pa naman na yung eksena na sasabihin ni basha na "sana ako pa rin, ako na lang... ako na lang ulit" sabeeeeeeehh?
Day 101: April 11, 2011, Monday
eh teka lang, allowed naman ako kiligin diba? pero hinde ko naman sya crush, at lalong hinde ko naman love (ahihihihi!) gusto ko lang bigyan ng malisya ang mga pangyayari para naman hinde sayang. wahahaha! madami na sanang nakakakilig na eksena: kinuha nya kamay ko para ipafeel ang heart nya dahil kinakabahan daw sya sa pagpepresent, tinawag nya akong "mahal" (alam nya bang eto ang weakness ko? chos!) at eto na nga, hiningi nya number ko from my TM para tawagan ako... eh pero kase may kailagan naman kase sya, bwahahaha! nagbreak kase ako saglit, eh may meeting kase kame. nagpaalam naman ako sa kanya na magbbreak muna ko, bat tumawag pa? miss nya na ko agad? bwahahaha. pero kailangan nya kase ung laptop na nasa akin. yun lang yun.. in furnace, gwapo si bunso. landi-landi! :p
Day 102: April 12, 2011, Tuesday
dahil mejo maluwag na ang sked ko this week, may panahon na akong tumunganga at maghanap ng mga walang kwentang bagay na pwedeng gawin. at eto ang napagdiskitahan ko. dahil malaki ang storage capacity ng yahoo mail, i never bothered to delete mails, either spam or already read. umabot na nga ang unread mails ko to 1,721 until kanina. halos dinelete ko na lahat, pwera yung mga email correspondences with my friends. i also read some of them, some sent way back 2004. nakakatuwa, andami kong narerealize while reading them. nakikita ko evolution ko as a person, nakakatuwa!
Day 103: April 13, 2011, Wednesday
at dahil may mabuting balita kaming nilulook forward this weekend a.k.a. free tickets to The Script's concert here in manila, ayan at nagdownload ako ng mga kanta nila and put it on loop. dadalawang kanta pa lang nila kase ang kabisado ko, yung mga madalas i-play sa radyo. nakakahiya namang pumunta ng concert nila at hinde man lang ako makasabay sa mga kanta nila diba? pati lyrics idinownload ko na din, para hinde ako mukang tanga na kung ano-ano ang pinagkakakanta. si deejay sisigaw na lang daw pag hinde nya alam ang lyrics... naiimagine ko na sya. wahahahaha!

5 comments:
Hahahaha! My gulay, medyo kinakabahan ako sa ating free tics, pero just be prepared, owkay? Hahahaha!
@strap - sa Wacoal ba yan? :D at teka sino si R****N?
@dj - parang may gusto na naman akong patulan na status ni idol!
oo, yung sa wacoal na strap yan... akala ko nawala na naman. eh ginto ang halaga nun! once in a lifetime lang ako bumili ng mahal na bra noh!
re: the script, keri lang... naaaliw naman ako pakinggan sila, nakakakuha ako ng inspiration. nyahahahaha!
re: RN... nakwento ko na kaya sayo yun nung isang araw!
re: MP... patulan na yan! hinde ko pa nalilinis si daniel... at hahanap pa ko ng magandang picture ng sunflower. bwahahah!
chismak! anong tampuhan ire? dahil ba sa walang pasalubong na camel si arnelsky?
@jov... naku, kanya na ang cmel nya. saksak nya sa baga nya! wahahaha! joke lang...
hehehe, pakwento ka na lang kay chai ;)
mahal magpakwento kay chai... nagtitipid ako. Hehe! pero sabi nya magsiswimming daw kayo. Naputol ang usapan namin kanina.
Hindi kita matyempuhan sa ym. magpapaturo ako sa blog. busy ka ata sa lovelife. Landi! :P
Post a Comment