Monday, April 11, 2011

Days 88 to 92

Day 88: March 29, 2011, Tuesday

showbiz scoop... ay spoon pala!

ang spoon na ito ay bigay ni ate glen, isang masugid na tagasubaybay.... hinde ng blog ko, kundi ng blog ni deejay. nyahahaha! tumambling naman ako sa sinabe nya na nakabookmark na sa pc nya ang blogsite ni kipay samantalang ang blog ko ay bihira nya mabisita. tampo? bwahahaha! hinde naman... nakikita ko naman na madami na ding naglulurk sa blog ko all over the world =)


Day 89: March 30, 2011, Wednesday

ngiting Loren

ilang weeks ko nang hinde magawa ang smile kong hinde lumalabas ang ngipin... umuumbok kase yung bakal sa nguso ko. kailangan pala talagang nakalabas ang bakal, naiintindihan ko na ngayon. kaya eto at gabi-gabi ay nagppractice ako nga aking plastikadang smile. ahahaha! mukantanga lang eh. goodbye my signature smile =(


Day 90: March 31, 2011, Thursday

nyorbaks

i got GC so i'll spend. ulul. nyahahaha! may nakuha kase akong starbucks GC nung nakaraang awarding for participating in something worthwhile (chos!) 300 peysos worth lang naman, kaya't ayan at kating-kati na ako gamitin. dahil pang-christmas lang naman ang favorite kong peppermint mocha, naghanap na lang ako ng bagong favorite: ang Dark Mocha frap. buti naman at hinde ako nagtatae pagkatapos kong uminom neto. masama kase talaga ang mga naging karanasan ko sa mga frap ng nyorbaks eh. kailangang malocate ko muna ang pinakamalapit na CR bago ako umorder.


Day 91: April 01, 2011, Friday

sons and daughters of PPGS

after nearly 20 years, our batch is reunited. well, around 15 of us lang actually. thanks to FB for connecting all of us again, eto at pangalawang chance na that we are having these pocket reunions. dahil hinde naman lahat ay available and accessible, we decided to do the reunions regularly until we agree on a certain date where we can have the most participants. dun namin itataon ang grand reunion.

okay naman sana lahat ng umattend that night. i saw two of my closest friends in grade school whom i haven't seen for the last 15 years i think. pero hinde ko naman inaasahan na may pupuntang primadonna. tumambling kami dahil umorder sya ng scotch habang kami ay nagpasweet sa inorder naming mango shake. at namumulaklak ang bibig ni ate, ginagawa nyang punctuation mark ang "poohtangina". tsk, tsk, tsk... kagandang babae eh ang askad ng ugali. at eto pa, after 2 rounds of scotch, nalasing na daw si ate kaya kung ano-ano ang sinasabe na kataka-taka naman dahil mukha naman syang sanay uminom nun kung umasta sya. pero ayun na nga, lasing na daw kaya naitaga nya sa bato na hinde daw magtatagal ang administrasyon ni noynoy. mwahahahahaha! bwiset na yun, nakakasira ng gabi!


Day 92: April 02, 2011, Saturday

hapi yipee yeheey!

birthday ko ngayon at nakatanggap ako ng isang malaki (at maliit?) na surprise from deejay (malaki) at may (maliit) bwahahaha! please see posters and print ads for details. CHOS! you can read my birthday entry here:  Part 1 and Part 2

graduation nya ay graduation ko rin

my brother has graduated from college today! THIS is worth celebrating, yes, more than my birthday. umattend ako ng graduation nya in place of my father na as usual ay nag-iinarte. ayun, naging isa akong official photographer / proud ate sa graduation rites nyang ginanap sa chipipay nilang school grounds. andung umakyat ako ng stage para makuhanan ang actual na pagtanggap nya ng diploma at nagpalipas ng gutom para lang hintayin syang matapos na makipagpicturan sa mga barkada nya. gutom na ko nun at inip na inip na din si mudrakels. eh pero pinapagailtan ko si mudrakels dahil yaya sya ng yaya umuwe na. hinde naman ako papayag na gawin nya din sa kapatid ko ang ginawa nya saken nung graduation ko... ayan tuloy, parang wala akong kapicture-picture nun dahil nagyaya agad sila umuwe nun. boooooooooo!

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

@spoon - hangkyut naman! nape-pressure tuloy ako mag update. Chos! hahaha!

@ngitin loren - so kelangan naka tube kapag nag smile? heheh

@primadonna - I demand pictures posted here! Hahahahaha!

Post a Comment