Thursday, April 21, 2011

Days 104 to 110

Day 104: April 14, 2011, Thursday


black sambo

dahil sa very urgent at napapost pa ang mahal kong kapatid sa wall ko sa FB, napapunta ako sa SM Makati ng wala sa oras para bilihan lang ng sabon ang haliparot naming aso na si potpot. o devah naman? hinde na sya pwedeng paliguan ng safeguard, kailangan pa talagang bilihan noh? susyal! at dahil atrasado na din naman ang uwe namin, kumain muna kami sa bacolod inasal. if furnace to this restaurant, kahit umay na umay na ako sa inasal eh favorite ko pa ding kumain dito dahil sa mga desserts nila. today i tried black sambo, a creamy milk and chocolate gelatin. ang sarap! (yumyum yan, sabe nga ni ate glo. mwahahaha!)


Day 105: April 15, 2011, Friday


scent percent

may all important meeting kame with a sister today pero as usual, i failed to document it. inabot kami ng mahigit 3 hours kakakwentuhan (that's a lot of catching up!) more than 6 months na din kase ata namin sya huling nakita, eh madami na syang chika na namiss kaya ayun, super update kami sa kanya...

anyway... since wala akong picture for that, etong perfume na lang na 'to ang pinicturan ko pag-uwe since hinde ko pa naman sya nafeature dito. this was given to me by my friend as pasalubong. nakakatuwa, dagdag collection na naman! pero napapaisip ako kung baket puro pabango halos ang binibigay saken ng mga friends from abroad pag umuuwe sila? eh hinde naman ako nagrerequest na yun ang ibigay nila saken. hinde kaya mukha akong mabaho? hahaha!


Day 106: April 16, 2011, Saturday


pizza hot

we were supposed to watch the concert of The Script today, pero sa kasamaang palad eh hinde kame naikuha ng free tickets, dahil super sold out ang mga pogi. keri lang naman dahil sinet na namin sa isip namin na wag mashado mag-expect. inaliw na lang namin ang sarili namin na magpagala-gala sa cubao dahil minsan lang naman kame mapadpad dito.

ayun na nga, minsan na lang pumunta pero puro kamalasan pa ang inabot namin... sa red ribbon, umorder si deejay ng iced choco, pero ang sinerve sa kanya eh hot choco. pinalitan naman sya nung sinabe naming mali ang sinerve. pero isinalin lang pala ang hot choco sa plastic cup, at inibabawan ng ice. paghawak sa plastic, mainit-init pa! badtrip diba?

pagdating naman sa pizza hut, naramdaman namin na parang patay na ang aircon. we asked nicely kung pwedeng pakibuksan, dahil umiinit na nga ang paligid. eh kaso centralized daw ang aircon, pag pinatay na ng SM ang aircon sa mall, mamamatay na din ang aircon nila. what the fuss?! hinde tuloy namin na-enjoy mashado ang mga patpating cheesy pops nila. ppfffttt.


Day 107: April 17, 2011, Sunday


craving for ice cream

summer na! napakainit na ng panahon ngayon, parang umuusok na nga ang lupa sa sobrang init. no wonder, umabot na ng 34°C ang temperature! kaya naman kahit nangingilo ako sa mga malalamig na pagkain, napabili ako sa naglalako ng selecta. pero psychological lang naman ang tingin kong epekto ng pagkain ng ice cream during summer, ang dapat talaga eh maligo oras-oras, hahaha!


Day 108: April 18, 2011, Monday


sunflower

i got these today from ate glen, bagong business nya, ahihihi! dahil maarte talaga ako sa katawan, nakakaengganyo magtry ng new products lalo na kung yung mga previous mong ginagamit eh hinde naman ganun ka-effective, bukod sa mahalya pa. nabasa ko din naman sa forums sa girltalk na effective daw pampaalis ng eyebags ang sunflower oil. tamang-tama dahil sobra nang pansinin ang dark circles under my eyes ngayon. hirap ako makatulog kase, tapos maaga pa kailangan gumising. diba pag inlove hinde daw makatulog? ahihihi! (kiki ko blue!)


Day 109: April 19, 2011, Tuesday

uwe pa ba 'to ng matinong babae?!

chos! eh late na yang uwe ko na yan, 6PM kaya dapat nakapag-out na ko noh! pero hinde naman dahil nag-OT ako kaya late na ko umuwe... meron lang kaming pinanood at sinuportahan. wahahaha! kung ang iba ay nagchicheer sa mga candidates ng Mr. & Ms. SBSC, ako naman ay kabang-kaba para sa... ahem! secret na muna, ahihihi! ang landi-landi!


Day 110: April 20, 2011, Wednesday


thanks to my sponsor

today's coffee is brought to you by... ahaha! ayan, may nanglibre saken ng kape, nakakatuwa naman. salamat sa sponsor! mejo malayo ang nilakbay namin para makuha ang free coffee, pero ayus lang dahil lahat kame eh inaantok sa office ngayon. nakakalungkot na bakasyon na halos lahat pero kame eh andito pa din at nagttrabaho. pero okay lang, masaya akong pumapasok sa work ngayon. salamat sa inspirasyon...

kakaiba... malungkot ako dahil sa long weekend. matagal ko syang hinde makikita  L

1 comments:

Patay Malisha Barton said...

Kiki mo, BLUE! I post mo na kasi yung mga pictures niyan! Hahahahah!

@Black Sambo, mukhang promising! Makapag order nga niyan sa Mang Inasal!

@Citronella Bug Spray? Magkano ba yang raket ni Ate Glyn? Kapag murelya, pabaylamos din ako!

Post a Comment