Pages

Tuesday, March 29, 2011

Days 84 to 87

Day 84: March 25, 2011, Friday

GA goes anime

as it has been a tradition that we go by a theme during our departmental meeting, this quarter's theme was to go anime. pero dahil busy-busyhan ang lahat, hinde nasustain ng cluster namin ang prestige na nakamit namin last quarter. other teams went out of their way though to rent costumes like this one. ang cute-cute ng mga sailormoon na ito. inggit ang mga baklang lumaking iniidolo si sailormoon, hehehe.


Day 85: March 26, 2011, Saturday

ruth-ruth day!

after missing her last week because of my out of town trip, she's back. my cute niece is growing bigger and bigger everytime i see her. at adik din sa picture! pag sinabi mong "pictuuurree!", popose na sya agad tulad ng picture na yan sa taas.


Day 86: March 27, 2011, Sunday

all about nails

dahil nasubukan ko ng magpapedicure sa iba, isinunod ko naman ang manicure. i love red nails, ang kaso, hirap akong magpintura lalo na pag yung kaliwang kamay na ang ginagamit ko. lagi tuloy hinde pantay-pantay ang gawa ko. kaya sa halagang 50pesos, ayan, i have again nice nails.


Day 87: March 28, 2011, Monday

saving for the rainy days

dahil feeling ko ay naghahalungkat na naman si mudra sa mga gamit ko at nakakita na naman sya ng ATM slip na mejo malaki ang halaga, i decided to open a bank account to transfer whatever's in my payroll bank account. walang ATM, just a passbook. iwas-temptation din ito, para hinde naman malimas ang konti kong ipon. hinde na naman ako tinatantanan ni mudra eh, galit nga kasi sya sa pera. kailangan daw maubos ang kalaban. DUH?

Days 77 to 83

Day 77: March 18, 2011, Friday

sale! sale!

bago tumulak ng anawangin, naki-sale muna kame sa robinsons galleria. shempre, kasama na din jan ang mga last minute shopping for things that we'll be needing for our trip. i got these books for only 68 pesos, a great bargain. sana lang maumpisahan ko na 'tong basahin. andami ko nang nakapila na babasahin!


Day 78: March 19, 2011, Saturday

and we're here!

finally, after a stressful negotiation with our lead guide, we're here in the beautiful island of anawangin! we never expected the kind of "groupmates" we got. we were bracing ourselves for the rowdy group, but no, we were given the conio types. like, OMG! i have nothing against rich people, but these guys are different. they are rude and they are nothing but brats. pweh, let me correct that: they aren't even rich. camera phones nga lang ang gamit nila for taking pictures, and i didn't even see anyone using iPhone or blackberry. buwiset, mga nagmamasusyal lang naman pala.


Day 79: March 20, 2011, Sunday

i didn't expect this

like an acceptance speech after an award, we didn't expect it. seems like this trip will be full of surprises. wala kasing nakalagay sa itinerary namin na may trekking, lalo na't ang trekking ay itinaon pa na magtatanghaling tapat. hingal kabayo na kame kalahati pa lang ng daan, hinde kinakaya ng tsinelas ko yung mahabang batuhan na dinaanan namin. what have we done to deserve this?! but because we signed up for adventure, hinde naman kami mashadong nagreklamo dahil madami din namang mga boylets ang nagmamagandang loob na tumulong lalo na sa mga lampang katulad ko. nadapa pala ako ng isang beses, katangahan lang at sa bigat na din ng katawan. at dahil sa pagmamahadera, muntik na din akong dumausdos pababa. mabuti na lang at nerbiyoso ang isang kuya at nagpatiuna na syang bumaba para alalayan kami. hehehe.


Day 80: March 21, 2011, Monday

fruithy thruth

dahil madami-dami kaming nakain sa aming 2-day trip, eto't balik na naman ako sa aking fruit diet. hinde naman ako nagseself-pity dahil kaing-kaing na prutas din naman ang nakakain ko, kaya hinde ko din feel na ginugutom ko ang sarili ko. in furnace, effective naman sya dahil umimpis na ang bilugan kong tiyan. hinde ko na din gaanong nagagamit ang magic binder dahil maluwag na sya =)


Day 81: March 22, 2011, Tuesday

training day 1

dahil i was appointed SOX focal for the cluster, naging busy ang aking mundo for the past weeks in preparation for this training. all cluster focals will spearhead the training of SOX testers for the whole department. ayoko ng mga ganitong activities nung una, because of my stage fright mainly. but i never thought i'd enjoy it. i had a new set of friends from outside our team. masaya palang maki-mingle sa iba, those people that you thought you would never get along with turned out to be cool and full of sense. i am very thankful for letting me realize that, lalo na ngayon that there's another mayhem in the team. tsk tsk. team mafi is annoying the hell out of me.


Day 82: March 23, 2011, Wednesday

training day 2

today is the 2nd day of our 2-day training. graduation na ng mga bagong SOX testers! earlier during the day, it was my turn to present. dahil sa natutunan ko sa aking "newfound friend", naglagay ako ng barya sa sapatos para matanggal daw ang kaba habang nagsasalita sa harap ng 60 tao. hinde naman effective! kabang-kaba pa din ako, hahaha!


Day 83: March 24, 2011, Thursday

Day 83.a brace yourself

ngayon naganap ang katuparan ng aking mga pangarap. bwahahahaha! matagal ko ng pangarap na maipaayos ang ngipin ko, dahil nga mula ng nagdalaga ako, naconscious na ko sa kanya. ngayong mayaman na ako (chos!), nagtabi na talaga ako ng pera para dito. kahit nga kasabay ng madami pang gastos dala ng graduation ni bunsong kapatid, itinuloy ko na dahil malamang sa malamang na mapupurnada na naman 'to. ngayon, makakangiti na ko ng ubod ng tamis. pang-asar nga lang yung smile ko sa picture dahil hinde ko pa napapractice ang ngiting labas-gilagid. lol.

Day 83.b license to kill

dahil magti-three years nang expired ang lisensya ko, i took advantage of my leave today para irenew 'to. pinili ko na yung Fast ID para hinde na ko maghihintay ng schedule para balikan yung ID sa ibang araw. i paid an additional 450 pesos for that. sa mahal ng fee, ang sungit pa ng photographer na ayaw magpa-take two kung halimbawang ayaw mo ng unang kuha nya. para namang nakakapagod pumindot sa mumurahin nilang digicam no?!

Monday, March 28, 2011

Days 68 to 76

Day 68: March 09, 2011, Wednesday

for my silky smooth skin

kamusta naman ang "post-natal" na nakalagay jan? ang katawan ko pala eh parang katawan ng isang babaeng nanganak na! hahaha! matagal ko na tinatarget bumili neto dahil very prominent ang mga stretchmarks ko sa may puwet. ang magaling ko kasing nanay, hinde man lang ako binalaan na bawal magkamot pag meron ka, ayan, hinde tuloy ako makapag-G string bikini. lol.


Day 69: March 10, 2011, Thursday

i'm so vain

eto na nga... 3 years na ako sa sintang kumpanya pero ngayon ko lang nalaman na covered pala ang warts removal sa aming hospitalization plan. sayang naman ang nagdaang two years, dapat pala 2 years na akong wart-free ngayon. anyway, let baygons be baygons (madaming lamok?). masaya ako, dahil bukod sa warts eh meron pa akong 3 sessions ng facial cleaning at back treatment. sayang nga lang at hinde na kinaya ang underarm whitening. nyahahahaha! i swear, hinde ako lalabas dun hangga't hinde ako gumaganda ng bongga!


Day 70: March 11, 2011, Friday

goodles so good

so balak ba naming tikman lahat ng variants ng pasta sa goodles? malamang. pang-ilang tambay na namin sa gale at ilang beses na din kaming kumakain dito, in the hopes that we'll see gino again. naka-leave ako today, dahil akala ko naman eh sobrang OA ang mga peklat na makukuha ko from the scar removal. at nabasa ko pa sa forums na bawal daw maghilamos for 24 hours, kaya paano naman ako makakarampa ng nanlilimahid ang mukha? pero sabi naman ng derma eh keri lang, kaya gora japan na ako. nakabili din ako ng rashguard na gagamitin ko sa anawangin.


Day 71: March 12, 2011, Saturday

pasintabi sa mga kumakain...


feeticure

ayan, after 15 years ngayon ko lang pinahawakan ang paa ko sa kamay ng ibang tao. i was traumatized sa unang pagpapalinis ko ng kuko. graduation day ko pa naman yun nung college, muntik na kong hinde makaakyat ng stage dahil sa mga na-murder kong kuko. pero ngayon na tamad na tamad akong magkikilos, ayan at nagbayad na ko para magpapedicure. masarap pala ang feeling na parang may alipin kang kulang na lang eh halikan ang paa mo sa pagsamba. hahaha!


Day 72: March 13, 2011, Sunday

baby techie

iba na talaga ang panahon ngayon. bukod sa game & watch, malaki na ako nung natutunan kong maglaro ng family computer. de-ihip pa ang mga bala nun sa pagkakatanda ko, hehehe. pero etong si ruth, 4 years old, marunong nang maglaro ng playstation. amazing! pero we see to it na hinde din sya gaanong nakababad sa tv / computer. mas maganda pa din na may mga kalaro kang gumagalaw, nagsasalita at nakukurot.


Day 73: March 14, 2011, Monday

reward?

lunes na lunes eh eto't umattend ako ng isang training na wala nang mas boboring pa. boring na nga ang topic, boring pa yung speaker. sana isinend na lang sa amin yung powerpoint at kami na lang ang pinagbasa. marunong naman kaming magbasa eh, hinde na kelangang sila pa ang magbasa para sa amin. anyway, masarap naman ang pakain nila kaya bawi na din. lol.


Day 74: March 15, 2011, Tuesday

if only

second day ng training. sabi ko sa sarili ko, i should be on my feet agad when the clock strikes 12. (cinderella, is that you?) ayun at lumipad ako pababa para kumuha ng taxi. ang galing, kinakaya pala 20 minutes lang ang biyahe mula office hanggang bahay namin. kung ganto lang sana araw-araw, ang bata-bata ko pa siguro tingnan ngayon.


Day 75: March 16, 2011, Wednesday

almost done

i'm almost done preparing my things for our anawangin trip on monday. almost pa lang dahil magpaprocess of elimination pa ko sa mga damit na inihanda ko. hinde ko naman pwedeng dalhin lahat yan dahil ang OA naman magdala ng dalawang bag para sa isang overnight trip lang. nyahahaha!


Day 76: March 17, 2011, Thursday

what the fuss?!

anak ng.....! pangalawang session ng wart removal, bakit nagkaganito ang muka ko? unlike the first, i felt the pain of today's procedure. mas mahapdi din sya pagkatapos, kaya ang mala-sutla kong kutis, nangamatis! chos! pero sobrang hinde ko gusto ang outcome ngayon, mas obvious yung scabs. hinde na tuloy ako pupunta sa reunion namin bukas. hmp!

Thursday, March 10, 2011

Days 66 to 67

Day 66: March 07, 2011, Monday


POPster?

inabot ako ng 2am today kakabasa ng YES! magazine march issue. hinde ko mabitawan ang istorya ng first heartbreak ni pop princess sarah geronimo. feeling ko sobrang relate ako sa kanya. hinde, hinde naman sobrang strict ang parents ko. pero yung pain nya sa pakikipagdeal sa isang napakasinungaling na lalaki! chos! pero grabe ha, awang-awa talaga ako kay sarah pagkabasa ko nito. parang napapaligiran sya ng mga taong gustong umabuso sa kanya. tsk. tsk. tsk.


Day 67: March 08, 2011, Tuesday


all systems go!

ayaaaaaaaaan! nakapagdeposit na kami ng 50% for wherever we're going. finally, a much needed getaway! i thought i was going beachless this summer, though i wasn't really aiming for a big time vacation this year, unlike the past two years. all i wanted was some time away from the city, not necessarily to soak up the sun. hoping to have fun with two of my closest friends next week :D

Monday, March 7, 2011

Days 60 to 65

DISCLAIMER: pasensya na at gamit ng may-ari ang camera, kuha lang sa camphone halos lahat ng pictures ngayon >:)


Day 60: March 1, 2011, Tuesday


kay susan tayo!

march na! at bilang tradisyon simula pa nung august noong nakaraang taon, binisita ko ulit ang website ni mareng susan miller para ikonsulta what's in store for me in march. maganda naman ang mga forecasts nya, favorable lahat dahil jupiter is in aries na. mga ganung chenes. pero isa lang naman ang gusto kong matupad sa lahat ng mga predictions nya eh, syempre yung tungkol sa lovelife.


Day 61: March 2, 2011, Wednesday


wacoal? wow, cool

my first ever wacoal pair. sumabit lang naman kame sa pagpunta ng bagong TM sa dati nyang office, ayan at naofferan tuloy kaming bumili ng underwear. in furnace naman, magandang klase talaga ang wacoal, hinde ko lang maafford dahil sobrang mahal sa mall. 50% ang discount kaya gora na ako sa pagbayla ng panty at bra.


Day 62: March 3, 2011, Thursday


congazhuleyzhons, you won a free jacket!

hinde ko matandaan kung ilang milyong workhours ang na-achieve na walang casualty to deserve this very special jacket! lol. pero may kalakip na bond ata ang jacket na ito, bawal daw magresign pag inissuehan ka neto. chos! ang libre ay libre. napakasarap ng libre :p


Day 63: March 4, 2011, Friday


fruit diet?!

bigla ko lang naman naisip eh... ano kaya kung sundin ko na ang payo ng dati kong dietician *ehem* tonet *ehem* na magfruits na lang daw ako sa gabi para hinde naman ako magmukhang may hydrocephalus sa tiyan? wala naman sigurong masama kung susubukan ko. para na din 'to sa kinabukasan ko at sa ikapapanatag ng loob ko. sana lang hinde ako mag-iiyak sa gabi dahil sa awa ko sa sarili ko. nagseself-pity kase ako pag gutom eh. hahaha!


Day 64: March 5, 2011, Saturday


may sakit ka?

hinde na kase conducive to living ang aking kwarto, kaya naisip kong maglinis kahit dis oras na ng gabi. oo, gabing-gabi na talaga dumating ang inspiration para maglinis. feeling ko kase eh kahit garapata ni potpot eh mangangati na sa dumi ng kwarto ko. OA? sana nga sipagin na ko lagi na sinupin ang kwarto ko.


Day 65: March 6, 2011, Sunday


rollercoaster ride

it's chutchut day again! at dahil umay na umay na ko sa kakalaro namin sa tom's world kada lalabas na lang kame, we tried something different: the X-Rider. according to philippine star:

The X-Rider is an eight-seat mini theater showcasing 12 different educational and adventurous themes that will surely make every child crave more. While the kid views images in a life-like three-dimension (3-D), the experience is on 4-D, which means the viewers feel what they are watching. For example, the audience can feel the vibrations as if they are in the scene and an actual participant. The X-Rider has movable seats, air jets, etc. to simulate amazing effects and other movements

kamusta naman si chutchut?! hinde sya nalula sa logjam pero dito sa x-rider eh iyak sya ng iyak. wahahaha! nakakalokang bata 'to! natakot sya sa gagamba na sumampal sa mga mukha namin. haha! nakakahilo sya ha, para ka ngang sumakay sa totoong rollercoaster. at kinakabahan din ako sa tuwing liliko at bababa kami. sumakit lang ang ulo ko, leche!

Days 54 to 59

Day 54: February 23, 2011, Wednesday


polusyon

i swear, tamad na tamad talaga ako ngayong magkikilos. ang dati kong malinis na kwarto ay para nang kweba na pinamamahayan ng isang libong diyablo. chos! ang OA no? pero sobrang gulo talaga ng kwarto ko ngayon, may mga maduming damit sa lahat ng pwedeng pagsabitan, nagkalat ang mga nalagas kong buhok, at yan, ang electric fan kong yellow ay puno din ng alikabok. kelan kaya ako tatamaan ng kasipagan? =(


Day 55: February 24, 2011, Thursday


kaching-kaching!

grabe, hinde ko napaghandaan ito! for my toiletries alone, i have spent a whopping 2,180 pesos! pero okay lang, hinde naman buwan-buwan ganyan. nagkataon lang na sabay-sabay naubos ang mga pangangailang pangkatawang-lupa ko kaya umabot ako ng ganyan kalaki. kasama na lahat jan, lahat ng malilinis at mapapaganda mula ulo hanggang paa :D


Day 56: February 25, 2011, Friday


happy birthday february celebrants!

at dahil matatapos na ang buwan ay hinde pa kame nagkikita-kita para magcelebrate ng birthday ng mga february celebrants (elphie, my and chai), dinaan na ang celebration sa santong paspasan. takot kasi sila na sa march na magcelebrate ng birthday nila kasabay ng birthday ni Patrong Boni, kaya itinuloy na ang videoke session by hook or by crook. kulang nga lang kame tonight.


Day 57: February 26, 2011, Saturday


bulag sa katotohanan

i wore my eyeglasses yesterday dahil schedule ko ng annual physical examination. mahirap sukatin ang grado ng mata kung nakacontact lens ako diba? i kinda missed wearing glasses kaya i wore it all day today. sa bahay lang kase ako nagsusuot ng salamin.


Day 58: February 27, 2011, Sunday


yeah yeah yeah!

finally! natuloy na din ang matagal nang plano na magpunta ng EK. ang aga namin nakarating ng EK, mga 1 hour before the park opened. soooobraaanng saya! chutchut is the bravest kid i've known. sumakay sya ng Log Jam ng walang takot. eh ako ngang kukuha lang ng picture eh nangangatog sa habang inaabangan sila. she also enjoyed Wheel of Fate, walang kalula-lula. at sa Rio Grande, kahit sya ang pinakanabasa sa aming lahat, ang tanging sinabe nya lang eh "isa pa! isa pa!" and... we had this family picture taken. kelan ba yung last naming family picture? baby pa nun si aeson alam ko. at ayokong ipost yung picture na yun dito dahil muka na naman akong katutubong ita dun. bwahahaha!


Day 59: February 28, 2011, Monday


goodbye february

i bid february goodbye, and goodbye as well to a love that's long overdue. this month i have uncovered a painful truth: that people will always have vested interests, and i should learn to be wary of them.

goodbye february. and i am hoping to start anew.