start na ng love month. inaantay ko pa din ang katuparan ng horoscope ko. sabi kase dun, if single, i will find my one great love daw starting january until may. kamusta naman at natapos ang january na ni wala naman akong bagong tao na nakilala? anyway... naghalukay na naman ako sa mga basura ko kaya nakita ko 'tong mga bear na 'to. mahilig nga kase ako sa bears dati, eh nagkandawala na lahat pwera lang sa mga ito. twelve pairs yata lahat yan, pero silang dalawa ang star dahil nakapangkasal sila, hehehe.
Day 33: February 02, 2011, Wednesday
i have been sitting on my workstation for over a year now, pero ngayon ko lang napansin that the last 3 digits of my workstation number is actually HIS birthday. pagkakataon nga naman no?
Day 34: February 03, 2011, Thursday
this is the nth and thankfully the last time that i got pissed off at my boss. aalis na lang sya, nagpamarka pa sya saken. ngayon ibinaba ang hatol (hatol talaga?) sa akin about my performance for 2010. hinde naman ako nag-expect ng mataas, dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong significant achievement. mahinahon ko pa ngang inulit yung grade pagkatapos nyang sabihin saken eh. what ticked me off was the fact that he was trying to justify his absence during the deliberation. at akala naman nya eh matutuwa ako sa sinasabe nyang gusto nya ang quality ng trabaho ko... duh? bat hinde nagtranslate sa ranking? ulol sya, anong akala nya saken, batang pwedeng mauto pag binigyan ng candy? he can shove that bleeping IPF up his sorry ass!
Day 35: February 04, 2011, Friday
the wonders of advertising talaga. dahil araw-araw kong nakikita ang poster ng listerine sa pagdaan ko sa ayala underpass, naintriga ako sa sinasabe nilang 6-in-1 benefits nito: Helps Prevent Cavities, Restores Minerals to Enamel, Strengthens Teeth, Kills Bad Breath Germs, Freshens Breath, Cleans the Whole Mouth (salamat sa google, hehehe). ayan bumili tuloy ako. pero ang sabi ng boss kong gago, nakakacause daw ng throat cancer ang mga mouthwash na may alcohol content. eh bakit ang beer naman?
Day 36: February 05, 2011, Saturday
dahil matagal-tagal na din akong hinde nakakapanood ng sine, inischedule na namin ni deejay ang panonood ng tangled. nagdadalawang isip pa nga kami dahil showing pa din pala ang love and other drugs na isa pa din sa mga bet kong panoorin. pero dahil mas mukang magandang panoodin ang animated picture sa widescreen, tangled ang nagwagi. bago pumasok ng sinehan eh kumain muna kami sa goodles. nadinig ko lang 'tong pinaguusapan nila gino and fran sa show, so we thought to try it. in furnace, masarap sya ha! naumay lang ako sa inorder kong lasagna, 7-layered ba naman eh.
Day 37: February 06, 2011, Sunday
dahil basta kainin ay go kaming mgkakaibigan, nagpunta kame sa Dampa sa Libis despite the short notice. bale 2-in-1 celebration na daw ito ng birthday nung mag-ina. super busog! pano na ang plano kong pagpapaliit ng tiyan kung dalawang kainan ang pupuntahan ko sa araw pa lang na 'to?
laps na naman! pre-birthday celebration daw ni kumare. ililibre nya daw ako. may free GC pala sya sa aristocrat, bilang isang mystery guest. oks lang, basta libre :p
1 comments:
Pakshet, winner ang fuck you gesture! Gagawin ko rin ito one time. Hehehe!
Post a Comment