Pages

Thursday, February 24, 2011

Days 48 to 53

Day 48: February 17, 2011, Thursday


OH MY GUUUMMMSS!

walang kaplano-plano, nagkita kami ni didyay sa gale today to have some R&R (herrera? chos!). nagccrave daw sya for goodles, ako naman eh gusto ko lang ulet gumastos. hahaha! who would have thought this will be our lucky day? see the picture? right in that spot, we saw my crush... gino quillamor buying goodles! OMG, i froze when deejay pointed him out to me. gusto nga daw nyang magpapicture, but i didn't have the courage to approach him. at ang chaka ng pampicture namin. cam phone?! c'mon! i've learned my lesson, i shouldn't leave my camera home from now on.


Day 49: February 18, 2011, Friday


shampoo 'day

we had our CI workshop today. yun lang. ayoko magdiscuss dito kung anong nangyari during the workshop because i'm pretty pissed. i made myself busy taking down notes, to calm my nerves and to stop myself from rolling my eyes. buti na lang ang ganda ko today. (anong konek?)


Day 50: February 19, 2011, Saturday


chooo-yyiiii

chutchut day! nagiging usual routine na ang paglalaro nya sa tom's world ha? tumataginting na 300 peysos agad ang gastos sa tokens, kaya naman ang tita, sinusulit ang bawat token. ayan tuloy, napikon ako kay chutchut kase pindot sya ng pindot kahit sinabi ko nang wag muna sya pipindot. hinde ko sya pinansin after that (patulan?). then when i was in line ordering our food, she came after me and said "tita, chooooyyyiii" (read: "tita, soorrryyy"). who could stay mad after that?


Day 52: February 21, 2011, Monday


and the winner is...

salamat sa shell at may pantawid-gutom na naman ang pamilya ko. hahaha! got this gift certificate after being nominated by my former boss for doing something right. weeeeh?


Day 53: February 22, 2011, Tuesday


breakfast meal

libre naman ang kape namin sa office. kaso, dahil kailangan ko pang hugasan ang mug ko araw-araw, mas pinipili kong bumili na lang minsan ng kape sa 7-11 minsan. pasensya, tamad lang eh. at dahil on-diet ako these days, skyflakes lang ang kapartner ng kape ko everyday. sana umimpis na ang tiyan ko!

Thursday, February 17, 2011

Days 42 to 47

Day 42: February 11, 2011, Friday


furry friend

potpot is so much bigger now... and two months pa lang syang nasa bahay ah! he's brought so much joy in the house din, shempre pag wala si chutchut. sobrang maharot nga lang 'tong asong 'to, feeling nya ata kangaroo sya nung past life nya.


Day 43: February 12, 2011, Saturday



lovapalooza no more. yeeey!

to go to my kuya's house in marikina was all i ever prepared for. kaya naman naka-semi pambahay lang akong pumunta dun. sino ba naman ang mag-aakalang makakapunta ng MOA ang mga damit kong pambahay? hahaha! our first plan was to go to sta. lucia mall, then changed it to megamall, further to market market and then finally kuya decided that he's in for a longer ride. little did we know that there is a fireworks competition that will go on that night. swerte! we waited in the parking lot for the show, and it was worth the wait =)


Day 44: February 13, 2011, Sunday


aaaaawww

i got a rose! guess who's it from? chutchut! ang kwento ni nanay, nakita daw ni chutchut yung nagtitinda ng bulaklak pagkagaling nila sa mini-zoo na malapit samen, nagpumilit daw magpabili. nung tinanong ng lolo't lola kung aanhin at kanino ibibigay yung flower, kay tita daw. aaaawww, my heart is melting :(


Day 45: February 14, 2011, Monday


da guardia

balak ko sanang iregalo 'to kay deejay dahil naalala kong may bet syang guwardya sa ofis nila. bwahahahahaha! joke lang! feel ko lang magbasa ngayon ng mga love stories dahil feeling ko i'm ready to fall in love again. chos! napadpad lang kase ako sa NBS dahil mag-isa kong cinelebrate ang valentines (anong bago dun?!). eh naasar ako sa mga nakakasalubong kong couples, ang kokorni eh. hinde naman ako bitter dahil wala akong kapartner, wala lang talaga akong tiyaga sa mga ganung kakornihan.


Day 46: February 15, 2011, Tuesday


post-valentine

since i was on leave yesterday, i did not get to see these valentines treats until today. galing ito sa sinisintang shell, so sweet. (oh, was the sarcasm too obvious?) okay naman actually, buti nang meron kesa sa wala? kaso nagtipid na naman. yung chocolates sana ginawa na lang tatlong piraso ng kisses... mas naapreciate ko ang serg's chocolate kesa sa binigay nila. lol.


Day 47: February 16, 2011, Wednesday


wanted tiksmit

on board a bus going home, nakita namin ang mga vandals na ito. weird, pero i find pleasure in reading vandalisms especially in public restrooms. i take my sweet time peeing just to be able to read some of them. some are so creative and witty, bit some are just so downright dumb. teehee.

Sunday, February 13, 2011

Days 38 to 41

Day 38: February 07, 2011, Monday

inday and the magic kamison

finally, nakabili din ako! nainggit kase kame kay may nung bumili sya ng binder, eh di hamak namang mas dambuhala kame sa kanya. summer na kase, eh hinde ko naman maipapangakong mag-gym ngayon, kaya kailangan nang daanin sa santong paspasan. plus, i got inspired by ciara sotto's corset success story. in one month of wearing the corset, she lost four inches from her waist. wooooww!


Day 39: February 08, 2011, Tuesday

sole searching

maarte ako sa sapatos. actually, yung paa ko lang ang maarte. hirap ako maghanap ng shoes na hinde ako magpapaltos. even what seems to be soft leather can hurt them. por dyos, por santo, hinde naman pang-mayaman ang paa ko, pang maarte lang. this pair i bought a few days back will, i think, remain in the shoe rack. napagod na ko kakahanap ng malambot na sapatos, found this, and with just hours of walking gave me splinters. sad, sad, sad...


Day 40: February 09, 2011, Wednesday

at pumunta ang baguio sa akin

dahil matagal-tagal na kaming nagkikita at hinde ko naman mapilit ang sarili ko na umakyat ulit ng baguio dahil sa masasamang alaala (chos!), ako na lang ang pinuntahan nila. nem and her son coli met me in glorietta today since 4 days silang nandito sa manila. i haven't seen coli since he was born, pero ako palagi ang kasama ng nanay nya nung buntis sya. kaya din siguro magaan ang loob saken nung bagets dahil sa akin na sya nakahawak nung naglalakad kame, hehe.


Day 41: February 10, 2011, Thursday

finding my "seoul-mate"

i was in a room having a one-to-one discussion with our new team manager. when she went out to take a pee, my teammates suddenly came barging in the room. akala ko ganun sila kaexcited malaman kung anong pinaguusapan namin ni TM, yun pala, there's a seat sale from cebupaicific. and guess where? KOREA! it's one of my dream destinations in asia. i'll pass up if it was hongkong or singapore, but korea? never! i think this dream started when i got hooked watching koreanovelas years back. i'm not watching those anymore, but i still would want to go to korea nevertheless. i'm booked! can't wait till november =)

Friday, February 11, 2011

Days 32 to 37

Day 32: February 01, 2011, Tuesday

happy ♥ month

start na ng love month. inaantay ko pa din ang katuparan ng horoscope ko. sabi kase dun, if single, i will find my one great love daw starting january until may. kamusta naman at natapos ang january na ni wala naman akong bagong tao na nakilala? anyway... naghalukay na naman ako sa mga basura ko kaya nakita ko 'tong mga bear na 'to. mahilig nga kase ako sa bears dati, eh nagkandawala na lahat pwera lang sa mga ito. twelve pairs yata lahat yan, pero silang dalawa ang star dahil nakapangkasal sila, hehehe.


Day 33: February 02, 2011, Wednesday

aaaaayyy?

i have been sitting on my workstation for over a year now, pero ngayon ko lang napansin that the last 3 digits of my workstation number is actually HIS birthday. pagkakataon nga naman no?

Day 34: February 03, 2011, Thursday

stark raving mad

this is the nth and thankfully the last time that i got pissed off at my boss. aalis na lang sya, nagpamarka pa sya saken. ngayon ibinaba ang hatol (hatol talaga?) sa akin about my performance for 2010. hinde naman ako nag-expect ng mataas, dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong significant achievement. mahinahon ko pa ngang inulit yung grade pagkatapos nyang sabihin saken eh. what ticked me off was the fact that he was trying to justify his absence during the deliberation. at akala naman nya eh matutuwa ako sa sinasabe nyang gusto nya ang quality ng trabaho ko... duh? bat hinde nagtranslate sa ranking? ulol sya, anong akala nya saken, batang pwedeng mauto pag binigyan ng candy? he can shove that bleeping IPF up his sorry ass!


Day 35: February 04, 2011, Friday

total care

the wonders of advertising talaga. dahil araw-araw kong nakikita ang poster ng listerine sa pagdaan ko sa ayala underpass, naintriga ako sa sinasabe nilang 6-in-1 benefits nito: Helps Prevent Cavities, Restores Minerals to Enamel, Strengthens Teeth, Kills Bad Breath Germs, Freshens Breath, Cleans the Whole Mouth (salamat sa google, hehehe). ayan bumili tuloy ako. pero ang sabi ng boss kong gago, nakakacause daw ng throat cancer ang mga mouthwash na may alcohol content. eh bakit ang beer naman?


Day 36: February 05, 2011, Saturday

7-layer lasagna

dahil matagal-tagal na din akong hinde nakakapanood ng sine, inischedule na namin ni deejay ang panonood ng tangled. nagdadalawang isip pa nga kami dahil showing pa din pala ang love and other drugs na isa pa din sa mga bet kong panoorin. pero dahil mas mukang magandang panoodin ang animated picture sa widescreen, tangled ang nagwagi. bago pumasok ng sinehan eh kumain muna kami sa goodles. nadinig ko lang 'tong pinaguusapan nila gino and fran sa show, so we thought to try it. in furnace, masarap sya ha! naumay lang ako sa inorder kong lasagna, 7-layered ba naman eh.

Day 37: February 06, 2011, Sunday

Day 37.1 happy birthday elphie & james

dahil basta kainin ay go kaming mgkakaibigan, nagpunta kame sa Dampa sa Libis despite the short notice. bale 2-in-1 celebration na daw ito ng birthday nung mag-ina. super busog! pano na ang plano kong pagpapaliit ng tiyan kung dalawang kainan ang pupuntahan ko sa araw pa lang na 'to?

Day 37.2 mystery guests

laps na naman! pre-birthday celebration daw ni kumare. ililibre nya daw ako. may free GC pala sya sa aristocrat, bilang isang mystery guest. oks lang, basta libre :p

Wednesday, February 9, 2011

Days 27 to 31

Day 27: January 27, 2011, Thursday

for the hairy monster

dahil summer season na, kailangang magtabas na ng damo. bwahahaha! as if namang nagtu-two pice bikini ako diba? wala lang, baka lang may emergency situation akong makaharap, katulad nang biglang may magyaya sa aking makipag-one night stand. kailangan lang laging handa. hahahaha!


Day 29: January 29, 2011, Saturday

summer starts today =)

summer has officially started for me this day. we had our summer teambuilding / send-off for my boss in club balai isabel in batangas. ako na naman ang naatasang maghanap ng venue, and thank God maganda ulit yung resort na nakuha namin. the place is just so lovely, the only down side is the lake. puro lumot na sya, you won't even dare to tread on the shore near the water.


Day 30: January 30, 2011, Sunday

i did it!

matagal ko na tinatry, pero i repeatedly fail. pero ngayon, i finally did it... i was able to open my eyes habang nasa tubig. yeeeeeeeyyy! now i won't need my shades to look good in underwater pictures =)


Day 31: January 31, 2011, Monday

sarap ng libre

after the teambuilding, we still had excess budget so what else are we going to do with it but to spend it? at dahil may knowledge sharing kame ngayon about controls, bumili kami ng kape panglaban sa antok at boredom. haaayy, this is life! i survived the day na walang ginagastos kahit ano dahil libre din ang dinner namin, courtesy of the prize money that we won during our christmas party.

Days 20 to 26

Day 20: January 20, 2011, Thursday

kaon na ta!

dahil badtrip ako (for reasons i could not disclose), eto at idinaan ko na lang sa kain ang lahat. nasa biyahe na kame when ate glen and i decided to treat ourselves to a hearty dinner. super sulit ang na-order namin sa bacolod chicken inasal, complete meal with desert for only 179 peysos! i will definitely schedule another trip to it again dahil naagccrave talaga ako for their suman sa tsokolate with mangoes. takaaaaw!


Day 21: January 21, 2011, Friday

here's to world domination!

i'm on leave today. wala lang. i was supposed to got to PRC to renew my license, pero dahil tinanghali ng gising, tumambay na naman ako sa mall. i enjoy moments i spend alone, minsan toxic din naman kase na lagi kang may kasama sa mga lakad. during moments like this, you would most likely find me in bookstores, leafing through books that were stripped naked probably by other tambays like me. i stumbled upon this book by jessica zafra, chickenpox for the soul. super enjoy talaga magbasa ng kabitteran sa mundo ng idol ko! hahaha! i envy this girl's wits. i want to be like her, only less jaded =)


Day 22: January 22, 2011, Saturday

Day 22.a ruth-ruth day

yeeeey! andito na naman si chut-chut, and as usual, we're off to the mall. grabe, i spent almost 500 peysos for her games and rides. but she was happy, so tita is happy too. nagpupumilit na naman syang magpabili nung cinderella na costume (big dress, big gown daw, sabe nya). buti na lang we were able to trick her, saying that we'll be buying it for her birthday, para maganda sya sa birthday nya, hehehe.


Day 22.b mga sis

ayan, nag-EB ang mga kapeks para sa isang transaksyon. dala na ni cherry may ang mga epektos, nagkapalitan ng pera, at nagkayayaang magkape. chos! medyo madalang talaga kaming makumpletong tatlo, ganun ata talaga kase ang mga artista. mahirap pagtagpuin ang mga busy naming schedule.


Day 23: January 23, 2011, Sunday

lucky si tita

dahil nagiguilty ako that we had to cut our time together yesterday short dahil nga magkikita kame ng mga kapeks, bumawi si tita kay chutchut. bago maggrocery kasama sila maderaka at paderaka, naglaro muna ulit kame sa tom's world sa megamall. i was sleepy kaya nagtry ako maglaro sa UFO catcher. never pa akong nakakuha ng stuffed toys dito, kaya laking tuwa ko that on the first try eh nakabingwit ako agad ng dalawa! shempre, feeling ko proud na proud si chutchut sa tita nya. nyahahaha!


Day 24: January 24, 2011, Monday

new addiction

eto ang bago akong favorite na junk food, pringles na sea weed flavor. hindi ko talaga mapigil ang sarili ko na hindi magchichirya, not even an allergy can stop me. pag kumakain ako nito, napapansin ko lang na may konti akong reaction, either bumabahing ako ng walang humpay o nagsswell ng konti yung lips ko. allergy na yun diba? pero sige pa din ako ng kain, eh masarap sya kase talaga eh.


Day 25: January 25, 2011, Tuesday

bayad utang

dahil daw i was kind to lend my underwater camera to them, eto at nakatanggap ako ng tshirt from my officemate who took a trip to dumaguete last friday. i didn't get to see their underwater pictures though. buti pa sila, maaga ang bakasyon!


Day 26: January 26, 2011, Wednesday

secret revealed

okay, okay. i'm going to make it official. gumagamit ako ng met for over a year now. nagstart lang ako nung nasunog ako ng bonggang-bongga dahil sunod-sunod ang swimming. ang sabi ko, pababalikin ko lang yung dati kong kulay, tapos stop na. but MET have some good effects on my skin and sleeping habits too. kaya i think i'm hooked. okay na din 'to kesa naman magpa-facial cleaning ako twice a month, hinde pa masakit. hehehe. eto ang epektos na binigay saken ni cherry may nung nagkita-kita kame. murang-mura nya ibinenta sa akin ang 60 capsules, halos 50% ang discount. ngayon, pwede ko nang meryendahin at pulutanin ang MET. chos!

Tuesday, February 8, 2011

Days 15 to 19

Day 15: January 15, 2011, Saturday

blame it on the rain

this has been a sh*t day for me and my friends, but we were supposed to have fun. going to valenzuela, traffic wasn't as bad as we had expected. but then, we did not expect to rain THAT hard. we were all aboard a tricyle when it started to rain. it lasted for about 20 minutes... and boy, we were soaked! we changed into dry clothes (courtesy of the birthday celebrant) when we got to the party venue. it was kind of icky having fun while you're in someone else's clothes, i tried but i was not comfortable. and then when we were getting ready to go home, it started raining... AGAIN. and please throw in the fact that i had to transfer jeepneys three times. i repeat, three effin' times! what's up with that huh?


Day 16: January 16, 2011, Sunday

kailan?

ready na ang tickets, may sasakyan na din. ang tanong... kelan kaya kami matutuloy na magpunta ng EK kasama ng buong de buena familia? excited ako, dahil shempre, kasama si chut-chut, pati pa ang maderaka at paderaka. 7 tickets ang binili ko, jan na nga naubos ang 13th month ko eh. chos! sana naman magtugma-tugma na ang schedule ng lahat =(


Day 17: January 17, 2011, Monday

superduper glue!

ang sagot sa lahat ng problema... superglue! bakit nga ba hinde ko agad naisip na pwede ko naman gamitan ng pandikit yung dilapidated kong phone? bakit ba pagbebenta agad ang naisip ko? ngayon, mukha nang masaya ang phone ko, at masaya na din ako. naadik na naman nga akong installan ng kung ano-anong applications yun eh.

Day 18: January 18, 2011, Tuesday

honda

honda dot ngayon ang aking period ah? buti naman. ilang buwan ding naging irregular ang aking buwanang dalaw, dala na din siguro ng stress. pero stressed pa din naman ako ngayon eh, bakit kaya?


Day 19: January 19, 2011, Wednesday

home service now accepted

gusto ko lang gumastos kaya nagpunta ako ng mall ngayon pagkagaling ng office. parang masaya lang ako pag may nakikita akong bagong purchase. retail therapy? hehehe. andami ko ng nabibiling nail polish kase, eh wala naman syang matinong lalagyan, kaya ayan... isang manicure set! lol.