Pages

Sunday, October 30, 2011

Days 261 to 271

Day 261: September 18, 2011, Sunday

a taste of korea

it's been long since i last saw my kumareng gladys. busy times, add the fact that i didn't want to see anyone associated with anthony. di naman sa bitter, ayoko na lang sya maalala, because i'm doing great na. anyway, ayun, nagpagod lang kame kakalibot sa mall, tapos sobrang daming chika. namiss ko naman sya in furnace, just made me think if i'll feel the same towards one other friend whom i had cut my ties with. one year ko na din pala syang hinde kinakausap.


Day 266: September 23, 2011, Friday

ako na ang maganda

today i attended my first Cluster 2 teambuilding. i swear i have never wanted to attend any of them as long as i am in that cluster. napaplastika ako sa mga tao dun, sa pangunguna ni nita negrita. pero dahil nakailang iwas na ko in several teambuildings that were done before, napilitan na ako. and lo and behold! i won this award! wahahaha! nagbunga din ang pagpapaganda ko tuwing umaga. but i have impressed the wrong people, hinde sila ang gusto kong makapansin na maganda ako... alam na! =)


Day 269: September 26, 2011, Monday

isang box galing japan

i bought this lipstick today dahil nagsasawa na ko sa kulay ng lipstick ko. halos one year ko na yatang gamit yun. nakakatawa lang, bago ko nagustuhan 'tong shade na 'to, may inapply sa aking lips yung promo girl sa cosmetics section ng mall. yun daw yung bagay sakin na shade. pagtapos nya kong lagyan, pagtingin ko sa salamin... syet, parang bagong embalsamo lang! mejo may pagka-orange yung nilagay saken ni ate, halos mabura ang nguso ko sa pagbura. tangina naman kase, anong ikinabagay nun? makabenta lang eh.


Day 270: September 27, 2011, Tuesday

pedring

nakakalokang experience ang sinuong ko ngayon. sa kagustuhan kong makatapos ng trabaho, sumugod ako sa bagyo. 30 minutes akong stuck sa isang waiting shed sa ayala, dahil hinde kakayanin ng payong ko ang lakas ng hangin kung magtatapang-tapangan ako na maglakad na. pagdating ko ng office, para akong basang sisiw, basa lahat. ngayon ko narealize ang kahalagahan ng pagpapadala sa amin ng extrang damit sa trabaho. ang problema, 2008 ko pa na mga damit yun, yan tuloy, buong maghapon lang akong nakaupo hanggang sa matuyo ang mga damit ko. napunit yung reserve kong pantalon, kaya bawal akong magpagala-gala.


Day 271: September 28, 2011, Wednesday

timeout muna

meron na namang teammate na galing sa bakasyon kaya ayan at may libre na naman akong chocolate. saya-saya! buti pa sila nakapagbakasyon na bago pa man kami sumabak sa quarterclose. dalawang linggo na namang puyatan 'to. =(