Pages

Saturday, July 2, 2011

Days 171 to 180

Day 171: June 20, 2011, Monday

aray ko, galing ko!

puspusan na ang practice. may korona kase kaming idedefend. kami ang grand champion nung Quarter 4, kaya nararapat lamang na pangalagaan namin ang karangalang 'to. CHOS! matagal na talaga akong walang exercise kaya siguro sobrang sumasakit ang katawan ko kakasayaw. o baka mashado lang talagang mabilis at magalaw yung mga steps para sa mga matatandang tulad ko. hahaha! napilitan na akong bumili ng gamot dahil hinde ko na kinakaya. eh sa thursday na ang presentation kaya i cannot afford to rest.


Day 172: June 21, 2011, Tuesday

happy fiesta

ang dami-daming nag-out of the country sa office namin last week. kaya naman eto at nagtatamasa ako ng mga pasalubong nila. for someone who loves chocolates as much as i do, mahahalikan ko sa tuwa ang mga nagpasalubong saken talaga. the first are from singapore c/o cheche and abi. the next are from kuala lumpur c/o of my new team lead, eya. grabe, sobrang ang saya ko netong araw na 'to. patay-gutom lang? hahahaha!


Day 174: June 23, 2011, Thursday

Cluster 2 Presents: NeYo

ngayon na nga ang araw ng patutuos. at shempre pa, maduguan na ang practice. naninigas na talaga ang mga binti ko sa sobrang pagod. kinabahan pa kami dahil sa wooden floor kami nagppractice, eh carpeted nga pala yung gagamitin naming venue for the departmental meeting. pano na lang ang mga namaster ko nang pag-ikot? chos!

1st runner-up lang kami anyway. natalo lang kame sa cluster participation, if i know. (yabang?) at dahil jan, 7 lang kaming maghahati sa 1,000 na starbucks GC. hehehe.


Day 175: June 24, 2011, Friday

bagyong egay falcon

tinawanan ko pa yung email advisory sa office regarding bagyong falcon. kase naman, pagkatapos ni EGAY, si FALCON naman. eh hellloooo? nanggagago ba ang PAGASA? alam naman nilang minsan sa buhay ko eh minahal ko si ejay falcon, wahahahaha! anyway, ganun kalakas ang ulan kaya the management decided na magpauwe na ng mga emppleyado ngayon. pero wag ka, ichacharge sa VL ang lahat ng uuwe. ang galing-galing! wala sana akong balak umuwe dala ng katigasan ng ulo. pero nung makita ko na halos iilan na lang kaming natira at lahat ay nag-uwian na, naki-join na din ako. mahirap nang maparatangan na humahabol ako para maging CFL Awardee. nyahahaha!


Day 176: June 25, 2011, Saturday

i need a boyfriend. fast

i think i need boyfriend. kamusta naman at nahihilig na naman ako sa mga facebook games. mula umaga hanggang gabi eh naglalaro lang ako ng Gardens of Time. (baklang-bakla yung name ng game noh?) at hinde lang yun, pati ang Draw My Thing eh pinatulan ko na din. nakakaloka! i am immersing myself in the art of doing nothing. kaya i have to do something, fast!


Day 177: June 26, 2011, Sunday

mr. kimbob


dahil pareho na kaming nababagot sa buhay namin, deejay and i went out today to unwind. hinde naman nya off pero feel naming magfoodtrip ngayon kaya ayan at nagkayayaan. we tried out Mr. Kimbob na matatagpuan sa foodcourt ng megamall. actually, natry ko na sya last week nung gumala kami nila ruthruth. nasarapan ako ng sobra kaya buong linggo akong nagcrave sa kanya. sulit naman sya, at 95 peysos eh busog na busog ka na at masarap pa. may extra pang katatawanan sa menuboard nila:


parang sigarilyo lang eh no? coke ligths. hahahaha!


Day 178: June 27, 2011, Monday

from davao with love

kada monday na lang ba eh may pasalubong akong matatanggap? hinde naman ako nagrereklamo, hehehe. hinde ako mahilig sa suha, pero nakakatuwa naman at binigyan kami ng tig-iisa ni grisha, my new teammate. bonggadera diba? usually kase pag may nagpapasalubong ng suha, isang malaki lang at sabay-sabay kakainin ng mga pinasalubungan, hehe. anyway, the twix chocolates are from mommy leny naman, dahil kadarating lang ng kanyang hubby. ang hirap ng may asawang seaman pala, 9 months to a year kang walang... kasama sa buhay. hahaha!


Day 179: June 28, 2011, Tuesday

walang gana, lagi na lang walang gana

i don't know if this picture will convince you na wala talaga akong ganang magkakain ngayon. siguro kase nasira na talaga ang oras ng pagkain ko simula nung naging busy ako at naging paiba-iba ang schedule ko. nung una, sinasadya ko pa talagang hinde na kumain sa gabi, pero ngayon, wala na talaga akong gana kumain. konti na nga lang ang kinukuha o inoorder ko, hinde ko pa nauubos minsan. ganun ba talaga pag inlove? chos! at dahil jan, nabawasan na ang timbang ko from 105 to 100 pounds na lang. at ang pinakamagandang balita? i lost 3 inches from my waist! huuuurrrraaay!


Day 180: June 29, 2011, Wednesday

salamat po =)

as a prize for the hardwork that we did for the controls testing, we got 500 starbucks GC aside from the certificate of recognition. blech! hahaha. no, hinde naman ako nagexpect naman ng kahit ano. as i've said, masaya naman ako sa ginagawa ko. it kept me busy for a time, kaya masaya na din naman ako kahit wala pa yang mga prize na yan (weh?)... hinde ba pa sapat na nainspire ako? ♥