Pages

Sunday, June 26, 2011

Days 163 to 170

Day 163: June 12, 2011, Sunday

meron o wala?

sakto ang aking period for this month, pero ang PMS ko naman ay parang naglast ng buong buwan. madami akong naawardan. yung iba dahil sa kakulitan, yung iba sa kaepalan, pero may iba na nakaharang lang kase sa dadaanan ko. hahaha! hinde ko alam kung dahil sa pagod na lang ako, but my temper this month was really incomparable! i think i really need a break this time. ang dami ko pang leaves, parang ngayon lang ata nangyari na kalahatian na ng taon eh konti pa lang nabawas ko sa annual leaves ko.


Day 164: June 13, 2011, Monday

strawberry cheesecake

i have been craving for cheesecakes for the longest time, then came today. we had lunchout at Burger King located inside Makati Med, saw they were selling this cheesecake so i ordered one for myself... and i wasn't happy. i was ready to taste heaven, but i was disappointed. seems like a trip to Banapple is still on the list.


Day 165: June 14, 2011, Tuesday

imeldific?

i bought the orange one first. pero awkward mag-orange shoes kung pink ang damit mo, kaya bumili din ako ng isang neutral naman ang kulay a few days later. minsan lang naman ako magsplurge, at hinde ko naman din matatawag na splurge yan. ilang linggo na kaya akong nagtitiis sa sapatos na butas, awang-awa na ko sa sarili ko. para namang hinde ako nagttrabaho at hinde ko mabilihan ang sarili ko. nyahahaha! i prefer to wear flats these days. less stress sa mga binti kong ga-lobo na ang muscles kakalakad sa ayala avenue.


Day 166: June 15, 2011, Wednesday

XMEN First Class

and because chico and delle said the movie's great, i went to watch it. i set a date with shawna today. i didn't realize it has been six months since we last saw each other. boy, how time flies! tama naman, maganda nga yung movie. and james mcavoy's eyes are so dreamy...

anyway, gusto ko lang din idocument that today was the first time (ever!) that someone has made me restart my computer when i had already shut it down to go home. yeah. a crappy boss.


Day 167: June 16, 2011, Thursday

ako na ang talented!

hinde pa pala ako graduate sa mga ganito. we are once again having a departmental meeting on the 24th, may nagpakulo na naman ng mga dance number, and this quarter, we go pop. our cluster chose Ne-Yo as our pop icon. mad at closer ang sasayawin namin, kamusta naman yun?! 33 na ako, utang na loob! bakit naman si dingdong dantes hinde na nagsasayaw simula nung maging matinee idol sya? dapat ako din!

pero sa totoo lang, nag-eenjoy naman ako. parang bumabalik ako nung grade school when i was still part of the art club. nakakatuwa lang alalahanin na i was taking part in stage plays, that i was used to performing dance numbers on stage for benefit shows in school, pero napakamahiyain ko pa ding lumaki (weeeh?)


Day 168: June 17, 2011, Friday

dress rehearsal

at dahil nga may dance number kami, shempre kelangan ng costume diba? ne-yo ang pop icon namin pero bakit K-pop ang style na gusto ng aming choreographer? nakakaloka talaga! para naman akong nagmumurang kamias neto. pero dahil masunurin naman akong bata, heto at sumugod ako sa robinsons galleria para magsukat. ang mahalia fuentes ha?! eh isang gamit lang naman yan, sobrang nakakahinayang naman pag mahal pa ang bibilhin ko. =(

anyway... today is also chico garcia's birthday. i think i have already said it a hundred times before, but let me say it once again: i am a BIIIIGGGG fan. my mornings will not be complete without hearing his kacheapan jokes. hahaha! today is extra special dahil the top 10 was for chico's birthday. i joined and my entry was chosen as the top answer of the third batch ata yun. the top 10 was to complete the sentence "Chico is_________". my answer was chico is parang bumbay. marami na kasi akong utang sa kanya for making my mornings happy. hope i can return the favor someday

i also greeted him on his facebook wall, malas lang at "like" lang ang natapat sa akin. nyahahaha!

happy birthday chico!



Day 169: June 18, 2011, Saturday

tatak-standard, tibay-standard

hinde na kinaya ng electric fan namin ang init ng panahon. hinde naman namin sya masisisi dahil 33 years na nya kaming pinagsisilbihan. yes, you read it right. kasing-tanda ko lang ang electric fan na ito. ang tibay no? madami pa ngang mas bagong electric fan na nabili namin ang nauna pang masira kesa sa kanya. talaga yatang pag tatak-standard, tibay standard. hahahaha!


Day 170: June 19, 2011, Sunday

chut-chut the schoolgirl

i heard the biggest news last friday. ruth is going to school this year! hallelujah! akala namin magkukuripot talaga ang tatay nya at pag 6 years old na sya pag-aaralin. iba na kase ang panahon ngayon, baka naman mapagiwanan ang chutchut namin kung ganun. handa na nga si tita na magshoulder ng tuition nya kung ayaw pa nila eh. kase naman wala namang kalaro at kasama sa bahay yung bata, nawiwili lang na nakatutok sa TV at laptop. dapat may interaction (o diba?). ayun, sumugod ang buong mag-anak ngayon para bilihan sya ng school supplies at iba pang gagamitin nya sa school. at shempre, hinde mawawala ang pagpapabili nya ng toys. pinabili nya yang microphone na yan, at walang tigil na nyang kinakanta ang ♪♫ i'm a barbie girl, in a barbie wooohoorld... ♪♫

Friday, June 17, 2011

Days 149 to 162

Day 149: May 29, 2011, Sunday

di-op

♪♫ today i don't feel like doing anything... ♪♫

eto ang aking song for the day. dahil umuulan-ulan, tinatamad na naman akong maglalabas ng bahay. gusto ko lang mag-emote, tumingin sa mga lumang pictures at mahabag sa sarili dahil 33 na ako at wala pa ding kasama sa habambuhay. haaaaaaaayy...

pero dahil may isang mapilit na sulitin ang kanyang day-off, ayan at lumabas na din naman ako sa lungga. simba at food trip during a rainy sunday, and a late night pictorial at mcdo el pueblo were enough reasons to thank for that i didn't let a whole day go to waste ☺


Day 150: May 30, 2011, Monday

ME-day


holiday namin sa office today that's why i decided to pamper myself today. siguro i got tired na din of lying in bed all day that's why umaga pa lang eh i am up and about na. early morning, i went to the dentist for my monthly checkup. in furnace, naayos na ng konti yung backtooth ko ha? ang galing! next month, iaadjust na daw ang aking braces para paatrasin na ang bunny teeth ko. yeeeeeeeyy!

next, i went to medical city para sana magpacheckup ng kung ano-ano. once in a blue moon ko lang maisipan na magpacheckup, if i don't feel anything unusual naman kase, i don't see a reason to have a short trip to the hospital. pero dahil naicommit ko na ang araw na 'to for myself, pumunta ako ngayon. sad thing is, ang haba ng pila sa maxicare! napakalayo pa ng number ko sa number na currently is being served when i arrived. kaya i called up the derma in makati to set a schedule na lang for my facial and back treatment.

after my trip to the derma, direcho na ko sa megamall. i still haven't decided kung magpapastraight ulit ako when i entered the salon. pero dahil na din sa pangungumbinsi ni ate, nasungkit nya na din ang matamis kong "oo". wahahaha! ayun, straight + cellophane = 1,500 peysos.

i love myself. ☺


Day 151: May 31, 2011, Tuesday

el sardinas

this little garapon right here always saves my day. hindi naman ako buntis pero andami kong hinde trip na pagkain ngayon sa bahay. (o nefefed up na lang ako sa mga tao dun?) pinaka-ayaw ko ang adobo. alam naman nila yun. ewan kung bakit yun lagi ang ulam. eh pag ganung naaamoy ko na ang niluluto nila, nilalabas ko na ang aking pinakamamahal na sardinas. hinde naman ako nagsasawa sa kanya, kahit umaga, tanghali at gabi ko pa sya ulamin. hehehe.


Day 152: June 01, 2011, Wednesday

walis tambolito

got this from abi, who came from a weekend vacation in baguio. sarap ng bruha, puro bakasyon! anyway, bakit walis? kase naman, we overheard someone in the elevator na ang gusto nya daw pasalubong from baguio ay walis tambo. napaka-unglamorous naman dibang magbitbit ng walis tambo? hahaha! kaya walis ang sinabe ko sa kanya nung tinext nya ko kung ano daw papabili ko.


Day 153: June 02, 2011, Thursday

neat freak?

hinde naman ako ganun ka-OC, pero paano ka naman makakasurvive sa isang araw na wala kang basurahan sa workstation mo? mahigpit na ipinagbabawal ang basurahan sa ofis namin, dahil baka pamahayan daw ng mga insekto kung bibigyan kami ng tig-iisang basurahan. eh pano naman ang mga pinagsingahan kong tissue? sa bag ko muna ilalagay? likas na matigas ang ulo ko kaya ayan at bumili ako ng sarili kong basurahan... pero maliit lang naman, hehe.


Day 154: June 03, 2011, Friday

mirror, mirror on the... desk?

vain ako eh. kaya gustong-gusto kong nakikita ang itsura ko minu-minuto. nyahahaha! pag nabobore na ko sa trabaho ko, titingin lang ako sa salamin, tititigan ang sarili at maiinspire na ulit magtrabaho dahil sa kagandahang nasilayan ko. HA! blog ko 'to eh, walang basagan ng trip!


Day 155: June 04, 2011, Saturday

umagang kay ganda

kamusta naman at inabot na ko ng umaga dito sa ofis. ganun kabusy ang mga araw ko ngayon, double shift na nga ako halos everyday. hinde naman ito kumikitang kabuhayan... para ito sa lovelife. chos! hinde naman din ako nagrereklamo, dahil nag-eenjoy talaga ako sa ginagawa ko ngayon. may pinatutunguhan na sa wakas ang pagpasok ko araw-araw sa trabaho. atleast, hindi na ako pumapasok ngayon para mag-internet lang maghapon. at may mga extra pang kilig on the side. now, this is life!


Day 156: June 05, 2011, Sunday

baclaran day

hinde naman wednesday at lalong wala kami sa pasay today, pero i will call this day Baclaran day. hahaha! nagkita-kita ang mga bakla one fine sunday dahil miss na miss na namin ang magbaklaan. roy has already left shell while the three of us (abi, me and gurl), except for the brief moments that we pass by each others' workstations when we go to the restroom, hardly talk sa ofis dahil busy din naman at may kanya-kanya na din namang grupo. pinanood lang namin ang kungfu panda at nagbaklaan na ng bonggang-bongga. i swear, sumakit ang lalamunan ko kakadaldal at kakatawa. i missed those times...


Day 157: June 06, 2011, Monday

kikay much?

i just discovered one beauty secret this week: mascara. i used to not know how to use the eyelash curler. masakit kase, at natatakot akong mabunot ko lahat ng pilikmata ko, hehehe. pero dahil may pinopormahan ako ngayon, lahat ng pagpapakikay ay ginagawa ko. ngayon, hinde nakukumpleto ang getup ko at hinde ako umaalis ng bahay hangga't hinde tumitikwas sa pagkakakulot ang mga eyelashes ko. ang arti! lol.


Day 158: June 07, 2011, Tuesday

barney bag

madami namang nagagandahan sa kanya, pero parang ayoko na sa bag na 'to. it is slighty larger than the older bag that i was using, kaya ayun, tuwang-tuwa na naman ako magdala ng kung ano-ano. ang dami kasing space eh! halos buong bahay tuloy eh dala-dala ko na ngayon. hirap na hirap na naman tuloy ako magbitbit. lagi na lang akong mukang pagod na pagod pag papasok sa office.

nanghihinayang naman ako palitan sya... minsan lang din naman kase ako bumili ng bag. hinde ko naman nakahiligang magpapalit-palit ng bag. kung ano yung dala ko araw-araw, yun na yun. bibili na naman ba ako? =(


Day 159: June 08, 2011, Wednesday

under my umbrella, ella, ella, eh, eh...

tag-ulan na naman! although i am inconvenienced carrying an umbrella, and it's a bit unglamorous showing up at work with the hem of my pants wet, i still love it when it rains! this is my most favorite season, wag lang talaga babagyo. eto yung mga araw na ayaw mo na bumangon sa kama, at gusto mo lang na magbasa habang umiinom ng kape. how i wish i got a better mattress, nasspoil kase ng airbed ko ang pag-eemote ko. nyahaha! seriously, nagreresurface ang aking need to have a boyfriend sa mga gantong panahon. shempre naman, a pillow would pale in comparison to a warm body next to you in bed. diba?


Day 160: June 09, 2011, Thursday

i miss you too, potpot!

miss na miss na siguro ako ng aso ko kaya minsang nakauwe ako ng maaga eh walang pagsidlan ang kasiyahan nya kaya napaakyat pa sya sa kama ko sa sobrang tuwa. late na kase ako laging nakakauwe ngayon kaya hinde ko na sya inaabutang gising, o kaya eh sobrang pagod na din ako para makipaglaro pa sa kanya. ngayon lang nangyari sa sumampa sya sa kama ko, kaya nagulat ako na anjan sya ngayon. at talagang ayaw nyang bumaba, parang gusto nya talagang matulog sa tabi ko. pero hinde naman pwede dahil napakarami nyang garapata. sisirain na naman ng mga garapatang yan ang makinis kong kutis. wahahaha!


Day 161: June 10, 2011, Friday

shake well before use

these were given away as a safety day token sa aming ofis. nakakatuwa ang flashlight dahil no need for batteries na sya. may ipepress lang sa kanya para marecharge na ulit. pero dahil made in china, ang sabi sa box eh "simply shake to recharge". nakakaloka! ano ba ang tingin nya sa flashlight na 'to, tite? na konting shake lang ay marerecharge na kaagad? bwahahaha!


Day 162: June 11, 2011, Saturday

my rainbow closet

walang magawa kaya ayan at inayos ko ulet ang laman ng cabinet ko according to color. nagbawas na din ako ng mga damit na hinde ko na isinusuot dahil naguumapaw na sya sa dami ng laman. dito ko napagtanto na napakahilig ko nga sa black na damit. one fourth ng closet ay napuno ng mga black na damit, at mga tiglilimang piraso lang yung ibang kulay. anyway... parang kailangan ko ng palitan ang cabinet ko. ang dami na nyang sira! (parang ulo ko lang? hahaha!)

Saturday, June 11, 2011

Days 141 to 148

forgive me... but i have never been too busy at work as i have been during these days. taking pictures was even an impossibility. i have lost eleven days of memories to emails and phone calls. but the eleven days were worth it, don't worry =)